Archive for July, 2006

DHD-269

Monday, July 31st, 2006

Kanina, pumunta ako ng manila. pagkatapos dumaan ng dalawang jeep na papuntang dapitan sa harap ko, naisip kong sumakay na dun sa jeep na papunta ng dimasalang. konti lang kasi yung laman ng jeep. pag sakay ko, humarurot naman tong si manong driver kaya yun kumaskas yung jeep nya sa isang jeep na papunta ng dapitan. ok naman tong si manong driver dahil hindi nya basta nilayasan ang eksena, humingi pa nga sya ng paumanhin sa kapwa manong driver (yung nabungo nya). wala naman. hindi naman naano, sabi nung isang pasahero sa likod ng jeep na parang ang gusto talagang sabihin e tara na! paandarin mo na yung jeep! (ewan ko ah, praning lang siguro talaga ako.) nakaupo ako sa likod ni manong driver kaya napansin ko ang yosi nya na nung nakita ko e naisip kong ano ba naman yan? kulang na lang hithitin din ang filter. at dahil nga nagyoyosi ang nasabing manong driver, sa tuwing bumubuga sya ng usok, sa likod ito pumupunta! (kamusta naman ang pagiging passive smoker ko?!) napansin ko din tuloy ang kakaibang amoy sa jeep nyang parang bar na punung-puno ng usok ang loob (yung tipong pag labas mo kahit hindi ka naman nagyosi e amoy yosi ka na rin). kaya naman pala, nakababa yung plastic na binababa lang ng ibang mga driver kapag pinapasok na ng ulan ang jeep nila. ang baho, hindi ako makahinga!

malapit lang naman ang ust sa lawton kaya nakalabas naman ako ng buhay sa jeep nyang parang bar.

kinahapunan, nagyaya na akong umuwi nung matapos ko na yung binabasa kong chapter. nakita ko pa nga yung mga kaklase ko noon na ngayon e nagmemedicine na (ibang usapan naman to). at dahil nga sinita kami nung gwardiya na wag daw kaming pakalat-kalat sa nililikuan ng mga sasakyan e nagpaalam na rin kami nung kasama kong uuwi na. pagtawid namin, may nakaparang jeep sa tapat ng BK (xmpre sinabi ko pa yun). hindi ko agad napansin kung saan papunta pero dahil apat ang plakang nakasabit, sumakay na ko dahil sigurado namang dadaan ng lawton yung jeep. pag sakay ko, Bangko Sentral ng Pilipinas nakaimprenta sa likod ng kulay blue na t-shirt ng isang matandang driver na nakasalamin at nagyoyosi. ang baho, hindi ako makahinga! kaya naman pala, nakababa yung plastic na binababa lang ng ibang mga driver kapag pinapasok na ng ulan ang jeep nila. natawa ako. siya nga! yung manong na nakabungo ng isa pang jeep kanina. ANG WEIRD! napraning tuloy ako at naalala ang pelikulang If only. (parang tanga tlga!) 

malapit lang naman ang lawton sa ust kaya nakalabas naman ako ng buhay sa jeep nyang parang bar.

ANG WEIRD! SA DINAMI-DAMI BA NAMAN NG PAKALAT-KALAT NA JEEP SA MAYNILA, DUN PA ULIT AKO NAKASAKAY!

que horror!

Sunday, July 30th, 2006

nanood ako ng sukob with ate jen and lucy… sayang kaming tatlo lang, asan na kaya yung iba naming kabarkada?

LIAR, LIAR

Friday, July 28th, 2006

"i lied to a man who was trying to make an honest living."

Ganito kasi yan: pauwi ako kanina galing ng review nung maisip kong kailangan ko nga palang pumunta ng munisipyo para ayusin yung window envelope na kailangan kong requirement sa boards, kaya sinabi ko sa kundoktor na sa alabang ako pupunta. nung malapit na ko sa alabang, malakas na yung ulan kaya naisip kong umuwi na lang sa bahay namin. usually, pag umuuwi ako 50 pesos ang bayad hanggang sa bahay so kulang pa yung binayad kong pamasahe ng limang piso. nung tinanong ako ni manong kundoktor kung nasan yung ticket ko, binigay ko sa kanya yung ticket na nakaipit sa singit-singit nung upuan (in short, hindi yun yung ticket na binigay nya sakin). Hindi po ito, sabi nya. san po ba kayo bababa? sa sto nino po, sabi ko. SINUNGALING! magkano bayad mo, tanong nya. 50 po. SINUNGALING KA TALAGA! parang gusto kong manliit sa kahihiyan, marealize nya man o hindi na nagsinungaling sa kanya, alam ko sa sarili kong nagsinungaling ako. at hinding-hindi ko kayang i-deny yon.

kanina, pag dating na pag dating ko sa bahay, sinulat ko yun sa notebook ko. siguro dahil sa sobrang pagka-guilty. bigla kong naalala na kahapon narinig ko yung "YOU ARE NOT A SURPRISE TO GOD. GOD KNOWS WHAT YOU ARE GOING TO BE LIKE!" kung hindi to sorpresa sa Kanya, alam kong may gusto lang syang sabihin sa kin. I get it now, pinapaalala nya lang sa kin na hindi ako dapat magsinungaling sa ibang tao. the past couple of weeks, i have been going to manila. dun ako nag-aaral, nagbabasa, whatever you want to call it. i have been going to manila when i should have been going to sta. mesa where my review center was.

ayan, walang halong pagkukunwari. at sa muli, naisip kong tao pala talaga ako.

sa kanya, sorry talaga. sana hindi ko na maulit yon.      

Community Tax Certificate

Monday, July 17th, 2006

Naloka naman ako! Kanina sobrang late na kong nagising dahil pagkatapos mag-alarm ng mahal kong nyelpon e in-off ko lang xa at saka naman ako nagpatuloy sa pananaginip, yan tuloy alas-sais na ko nagising! kamusta naman ako?!

At dahil nga ten to seven na ko nakaalis ng bahay at wala akong mapiling masakyan papunta ng cubao e pinili ko na lang sumakay papunta sa lawton. in short, nasa isla de santo tomas ang lola mo. minabuti ko na lang basahin ang handouts sa cenlib (na sobrang na-miss ko, dahil yun ang dati kong tambayan).

ala-una na ko nakalayas sa uste kasi naman lunch break na pala nung nagbibigay ng application form. pagtapos non, umuwi na ko.

dumaan ako ng munisipyo kasi nga kukuha ako ng cedula. saang lupalop naman sa munisipyo ako kukuha non? buti na lang at nandon si kuya na nagmumuni-muni nung bigla ko syang inistorbo. napakabait nya naman at talagang lumabas pa siya ng people’s center para lang ituro sa kin ang dapat kong puntahan. tinuro nya rin sa kin kung saan kinukuha yung birth certificate (na GOODLUCK na lang sa haba ng pila.)

ang gagawin lang pala e isusulat ang pangalan, tirahan, araw ng kapanganakan (yess! hahah!) birthday, birthplace at civil status. tapos pipila ka lang para magbayad ng 17 pesos and 10 centavos (xmpre may butal pang ten cents!). ang ikinagulat ko lang e YUN NA BA YUN?! nakatanggap ako ng isang papel na mas maliit pa sa one-half sheet ng intermediate paper. na hindi ko malaman talaga kung cedula na ba o resibo lang sa pagbabayad ko ng 17 pesos at ten cents. itatanong ko sana kung kelan pwede kunin ang cedula nang bigla kong mabasa ang "COMMUNITY TAX CERTIFICATE CITY OF MUNTINLUPA", this is it! THIS IS IT! yun na pala ata talaga yun? hehehe! xmpre hindi pa rin ako sigurado.

since, hindi naman talaga ako sigurado at punung-puno naman ng tanong ang utak ko ngayon, maitanong ko lang: para saan ba talaga yon (yung cedula)? (kung alam mo, mag-iwan ka naman ng comment, kelangan ko lang talagang malaman kung para saan yon! hehehe!)

mas ok na rin magtanong kesa naman magdunung-dunungan. 

Woman asks 911 to send ‘cutie pie’ deputy

Saturday, July 15th, 2006

ALOHA, Ore. - A woman who called 911 to get "the cutest cop I’ve seen" sent back to her home got a date all right — a court date.

The same sheriff’s deputy arrested her on charges of misuse of the emergency dispatch system.

Washington County Sheriff’s Sgt. David Thompson told KGW-TV of Portland it all started with a noise complaint called in last month by neighbors of Lorna Jeanne Dudash. The deputy sent to check on the complaint knocked on her door, then left.

Thompson said Dudash then called 911, asking that the "cutie pie" deputy return.

"He’s the cutest cop I’ve seen in a long time. I just want to know his name," Dudash told the dispatcher. "Heck, it doesn’t come very often a good man comes to your doorstep."

After listening to some more, followed by a bit of silence, the dispatcher asked again why Dudash needed the deputy to return.

"Honey, I’m just going to be honest with you, OK? I just thought he was cute. I’m 45 years old and I’d just like to meet him again, but I don’t know how to go about doing that without calling 911," she said.

"I know this is absolutely not in any way, shape or form an emergency, but if you would give the officer my phone number and ask him to come back, would you mind?"

The deputy returned, verified that there was no emergency and arrested her for misusing the 911 system, an offense punishable by a fine of up to several thousand dollars and a year in jail.

Thompson said Thursday it was the first case he knew of in which someone called the emergency line for such a personal reason.

"That’s taking up valuable time from dispatchers who could be taking true emergency calls," he said.

I got this at yahoo!

Pirates of the Caribbean: Dead Man’s Chest

Thursday, July 13th, 2006

Nakalimutan ko palang sabihin, nanood ako ng pirates of the caribbean kahapon. maganda, nakakatawa, bitin! nakakainis, sobrang bitin! hindi ko nga namalayan na malapit na pala sa ending e. nung pinakita si captain barbosa at yung nakakainis pero cute nyang unggoy, yun na pala yun. kelangan ko pang maghintay ng kasunod non na probably e sa 2008 pa lalabas, wag naman sana..

mas gusto ko pa rin yung una, siguro kasi yun hindi bitin, natapos agad yung kwento. pero ok din yung stunts nila ngayon, nakakatawa din pati yung scoring sa ibang scene hehehe! basta bahala na kayong manood. maganda, manood kayo (hindi lang basta.. "maganda, ok lang." pero bitin pa rin hehehe! ilang beses ko pa ba kelangang ulitin na bitin nga? hahaha!) 

unfortunately, nawala ang payong kong hindi pa nagtatagal ng isang linggo sa kamay ko at isang beses pa lang nauulanan kasama ako. kung sino mang nakakuha sa kanya, nananawagan ako, ibalik nyo sya sakin! hahaha! kung sino mang nakakuha sa kanya, alagaan nya sana yung payong ko. haay! (pero hindi ko ikinakaila na masama ang loob ko nung nawala yung payong…)

Gin

Thursday, July 13th, 2006

Ang bago kong kinaaadikan.

Burnout

Wednesday, July 12th, 2006

O, wag kang tumingin ng ganyan sa akin
‘Wag mo akong kulitin, ‘wag mo akong tanungin
Dahil katulad mo, ako rin ay nagbago
‘Di na tayo tulad ng dati, kay bilis ng sandali

O, kay tagal din kitang minahal

Kung iisipin mo, ‘di naman dati ganito
Teka muna, teka lang, kelan tayo nailang?
Kung iisipin mo, ‘di naman dati ganito
Kay bilis kasi ng buhay, pati tayo natangay

Tinatawag kita, sinusuyo kita
‘Di mo man marinig, ‘di mo man madama

O, kay tagal din kitang mamahalin

Habang palayo sila

Tuesday, July 11th, 2006

Gusto ko mang i-deny, hindi ko naman din magawa. lately, parang nakikisama ata ang mood ko sa panahon—aaraw, kukulimlim, kikidlat, uulan. hindi maintindihan.

Nalulungkot ako. Eto na naman ang ugali kong nakakainis talaga. Paano naman kasi, nitong mga nakaraang buwan, marami nang nagbago. Nung nakatapos ako ng highschool, nag-iiyak ako dahil gusto kong bumalik sa kamusmusan at magpa-trap na lang don. Ngayon na nakatapos na ko ng college, ganon na naman. Parang gusto kong bumalik sa noon—1st year palang kami na naliligaw at naghahanap ng BG nung first day, nagtuturuan kung sinong kukuha ng palaka para sa anaphysio, nagbibilang kung ilang "class!" na ba ang nasasabi ni miss C—-, kung ilang damit na ba ang naulit ni miss C—, nangatog habang pinapanood magpipet ni maam C—, nagtuturuan kung kaninong laway ang gagamitin sa experiment sa BB, nagtuturukan para makakuha ng blood specimen para sa hema, magsisihan dahil nakakabadtrip na ang mga nangyayari sa thesis, natakot sa mga staff nung first day of internship, at magpakabangag tuwing night duty.

Nagddaydream na naman ako. Akala mo naman pwede pang bumalik sa kahapon.

Nalulungkot ako kasi ngayon iba na. Ang mga kabarkada ko, may kanya-kanya nang plano. Lahat sila may pinagkakaabalahan. Paminsan parang ayoko na tuloy magyaya dahil ilang beses na ring naiwan din akong mag-isa. Sabagay, noon namang bago pa ako sa UST, nabuhay ako kahit wala akong alam sa Maynila, nakauwi naman ako kahit hindi ko alam ang sasakyan ko, nakakilala naman ako ng mga kaibigan.

Pero kahit anong sabihin ko sa sarili ko, nalulungkot pa rin ako. Habang lahat sila, naglalakad na papunta sa napili nilang destinasyon, nakatunganga pa rin ako at nagmumukmok, pinapanood silang papalayo—at papalayo.

Bakit masama bang malungkot?   

Wait Forever

Thursday, July 6th, 2006

Standing on the great divide
I feel the sudden need to fly
Underneath the open sky
And the river down below

I could keep on running now
I could keep on cheating death and yet somehow
It all ends up the same
And I don’t want to be the one who’s blamed

Can you see that I don’t really have a choice at all
If only for a taste of flight
I’d gladly take the fall

So, I say I love you
I don’t wanna wait forever
Just to say, I need you
Doesn’t even have to matter
If it really matters anything to you

I’d gladly take this ride
As long as you are there on the other side
Not making sense at all
Of making sense of it all

So while I can, I’ll take the chance,
I’m diving in
If you need me, I will die –
To feel alive again

So, I say I love you
I don’t wanna wait forever
Just to say, I need you
Doesn’t even have to matter
When I say I love you, yeah yeah

I’m falling like
I’ve never done so before
I’m flying against the wind
And here I go

So, I say I love you
I don’t wanna wait forever
Just to say, I need you
Doesn’t even have to matter
I don’t wanna wait forever, no, oh oh (I say I love you)
So, while I can I’ll take my chance
So, I’ll say, I need you
Doesn’t even have to matter
When I say…

I love you so (I love you), I need you
It doesn’t really matter (no, it doesn’t really matter)
If it really matters anything to you
I love you…