Archive for September, 2006

yung awa

Monday, September 25th, 2006

minsan talaga kapag hindi mo inaasahan dun pa mas may nangyayari.

.

syempre, gaya ng araw-araw kong ginagawa, pumunta ako ng palengke para bumili ng lulutuin. sumaglit na lang ako kasi nga parang madilim na naman at mukhang pag umulan e malakas. pauwi na ko nung may sumakay na bata sa jeep. kakatapos lang ng klase nya at pauwi na sya. naka-uniform xmpre. nakablack shoes at white socks. nakaipit yung buhok. bitbit ang malaki nyang backpack at isang baunan. ang totoo hindi ko naman sya napansin na sumakay. napansin ko lang sya nung may narinig akong "nakakaawa naman yung bata…" napansin ko lang parang na-wei-weirduhan xa sa mga taong nakasakay sa jeep na umuurirat sa pagkatao nya. sunud-sunod ang mga tanong… ilang taon ka na? san ka nakatira? bakit mag-isa ka lang? nasan ang nanay mo? yada-yada-yada. naaawa daw sila dun sa bata. blahblahblah! hindi ko alam kung gusto ko ring maawa sa kanya. kung saka-sakali mang maawa ako sa kanya, maaawa ako dahil kinakaawaan xa. magulo ba? hindi ko rin kasi alam kung dapat nga ba syang kaawaan. kung dapat kaawaan ang isang tao, dapat mo pa bang sabihin sa kanya na kinakaawaan mo sya? may maitutulong ba yon sa problema nya? maiiba ba non yung katotohanan na hindi sya hinahatid ng magulang nya? e pano kung may magandang dahilan naman kaya hindi siya sinundo ngayon? at ano naman kayang implikasyon non sa sasabihan mong tao? ok nga siya e. hindi nya inaasa sa iba kung ano namang kaya niyang gawin. kahit bata pa sya, marunong na syang umuwi imbis na sinusundo pa at hinahatid. kung sabihin mang masyado pa syang bata, e kailan pa?

.

ang totoo nyan minsan naiinis ako kapag kinakaawaan ako sa mga pagkakataong walang wala na ako. parang pakiramdam ko tinatanggal pati yung natitirang pinanghahawakan ko para pagaanin ang bawat sitwasyon. parang lalo akong nanghihina at nawawalan ng gana kapag ganon ang nangyayari. parang pati ako naaawa sa sarili ko. hindi ko alam kung dapat bang ganon ang maramdaman? pero kung kakaawaan ko pa ang sarili ko, paano ko pa aayusin ang mga problema ko? anong magagawa non? wala lang. naawa lang ako sa sarili ko ganon. ok lang naman maawa sa sarili o sa ibang tao, ang sakin lang wala naman tlgang magagawa yun. pwede naman sigurong lagpasan na lang ang "awa" part at tumulong na lang kung kailan tlga ng tulong nung tao. ewan ko. may mga bagay kasing minsan ayoko na rin pagkaabalahan hanapan ng sagot.

.

why be sad if you can make fun out of it? - josh blue

yung senti

Thursday, September 21st, 2006

…’Cause I am barely breathing and I can’t find the air. Don’t know who I’m kidding, imagining you care. and I could stand here waiting a fool for another day…

Enemy of the State (1998)

Thursday, September 21st, 2006

Brill: In guerrilla warfare they taught us to use our weaknesses as strengths.
Robert Clayton Dean: Such as?
Brill: If they’re big and you’re little, then you’re fast and they’re slow. You’re hidden and they’re exposed. You fight only the battles you know you can win.

Kwento ng Konyo

Wednesday, September 20th, 2006

i woke up kanina feeling sooo damn good. kaso nga lang the phone in my room was making kring-kring agad, it’s sooo aga pa naman! hindi ko nga sinagot! baka si manong chowking lang yun making pa-order. after eating my breakfast, i made muni-muni na what to buy sa palengke for dinner. i’ma cook kasi e… then i thought why not na lang hilabos na hipon. hmmm… yumyum! so eun, i made ligo na then i went to the palengke nga. when i got there, sabi ng mom ko, the isang kilo daw of hipon is almost 400?! it’s sooooo mahal! anyway, it’s not my pera naman kaso it’s soooo mahal tlga! so i made isip ulet of another ulam. mag-fry na lang kea ako ng fish? then my mom said na like nya daw ng beef steak so she made tingin na for beef. when she came back na, meron na xang 100-peso worth baka in a plastic. she told me na it’s our ulam for tomorrow. i made taka naman, what kea ulam namin tonight. so i inquired. sabi nya buy na lang daw me ng fish nga. tapos i-fry ko na lang for tonight. so eun, i went na to the fish section to buy tilapia. when i got there, there was this gurl na in-ask ako what daw ba gusto ko? i pointed to the tilapia. Shocks pag point ko, nagwiggle wiggle yung naghihingalong tilapia!!! IT’S ALIVE! IT’S ALIVE! "Isang kilo?", she asked. So she made linis na nga four medium-sized tilapias for me. The tilapia was still alive! Tapos she was making kaliskis nga the fish. it was sooo heartbreaking tlga! AS INNN! tapos whenever the tilapia makes palag, she makes pukpok in the head! and then the tilapia will make palag some more, tapos she will make pukpok even harder. tapos there was this tilapia, nakaliskisan na and everything tapos it was still alive! it’s soooo nakakatakot! it was fighting for its life pa rin even after losing its gills and all the laman in its tiyan. She even made tanggal pa nga the itlog of the fish, yung yellow thingy, sayang masarap pa naman yun pag na-fry! Eun after brutally cleaning the isda in front of me, she made bigay na it to me. Tapos i went on my way home na.

.

I made para a manong jeepney on its way to pacita. tapos i made bayad na. habang nagddrive si manong jeepney, i saw this old man na ewan ko ba if saken nakatingin. i did not mind na lang kasi he was too old na e. tapos sumigaw xa ng "MAX!"! OMG! he’s soooo nakakashock ah! dun pala nya sa max like pumunta! i made para naman sa tapat ng gas station dun village namin. tapos i saw this manong, yung mga manong na you would always see just making lakad sa streets pero walang ppuntahan. wala xang top tapos naka-shorts lang xa, parang nakapaa nga lang ata xa that time e. i was curious kasi he had this big belly tlga. it’s not like that of the usual manginginoms, but it looked more of a tumor really. parang it’s matigas when you touch it. and yung belly nya nga parang may cut, parang inopera or something before. there was this big peklat kasi e! the looks of his belly was really pretty scary. parang it needed an immediate operation, it’s nakakatakot tlga! Then i thought, "what the hell is my problem?" kasi you know, i’m sometimes (ay naku parati!) whining about my life kasi! i should be thankful pa nga na after all these years, my body parts are still in tact. my brain is still functioning. my heart is still beating. and i’m still alive. some people (some fish) still have to fight for their life. they go through sooo much. tapos i have gana pa to complain, when in fact i should be saying "thank you God." it’s parati na lang na i see what others have that i don’t. now i realize na tlga, though things may sometimes not go as i wish, i’m blessed with sooooo much that though i never even asked for was still given to me. So thank you God tlga!       

ewan!

Tuesday, September 19th, 2006

gaano naman kaya kasakit yung SOBRA?

ALOK-BATI 3 / PRC Registration

Monday, September 18th, 2006

kanina nagregister na kami sa prc para sa oath taking. at xmpre, hindi ko na naman alam ang gagawin. xmpre kasama ko ulit si Jenna at si Blessa!

.

tenkyu kay kuya (pasensya na dein ko alam pangalan nya e, kahit si jenna hindi xa kilala) yung tumulong samin na magprocess ng papers. sobrang bilis nung processing ng papers namin na yung tipong isang oras dapat e naging 20 minutes lang. nagmistulan namin siyang tour guide. astig!

.

tenkyu kay jenna (laki-laki mo na! lapit na excited na ko para sayo, ano ba talaga?! girl o boy?!) at sa mama nya (na kakilala ni kuya hehehe!)

.

tenkyu kay blessa para sa pisong sine natin kanina. grabe! sa tala ng buhay ko (nakanaman!) ngayon lang ako nakapanood ng pisong full length film! salamat sa panlilibre mo sakin (binayaran mo rin kasi pati yung piso hahaha). may nakita akong sim ng globe na 100 lang bibilhin ko na ba? hehehe! xmpre naka-mcdo na naman tayo kanina. sayang wala nang mcshaker fries dun sa binilhan naten! tenkyu ulit!

.

teka lang ah, sisingit ko na to dito, e pano naman kasi yung oath taking aba! pati ang inductee may bayad! kamusta naman kami?! tapos tig-800 pa kami at ang mga dadalhin namin guest! kamusta ka naman?! wag na lang kaya akong pumunta? hahahahahah! JOKE YAN!

si Jose

Sunday, September 17th, 2006

My idea of a perfect Christmas
Is to spend it with you
In a party
Or dinner for two
Anywhere would do
Celebrating the yuletide season
Always lights up our lives
Simple pleasures are made special too
When their shared with you
.
Looking through some old photographs
Faces of friends we’ll always remember
Watching busy shoppers rushing about
In the cool breeze of December
Sparkling lights, all over town
Children’s carols in the air
By the Christmas tree
A shower of stardust on your hair
.
I cant think of a better Christmas
Than my wish coming true
And my wish is you’d let me spend my whole life with you
My idea of a perfect Christmas is to spend it with you

.

.

anak ng…! Christmas na! nasa mall ako kanina nung nakarinig ako ng isa pang Christmas song. nasa mall din ako noon, nung una akong makarinig ng Christmas song ngayong papalapit na yung december kaya naalala kong ipost… haay! pasko na naman o kay tulin ng araw hehehehe!

.

regalo ko ah! a-ha-Ha-ha-ha-ha-ha what a beautiful chocolate man! hahaha!

may mga araw…

Thursday, September 14th, 2006

nakakaisandaang post na ko dito. tungkol sa mga bagay na walang kwenta, tungkol sa mga bagay na importante, tungkol sa mga bagay na importante sa kin…

kung tutuusin, nagsusulat lang naman ako dahil gusto ko lang. wala naman akong pakialam kung may babasa kaya paminsan pati yung mga hindi dapat isulat, naisusulat ko pa. ang totoo nyan, hindi lang ito ang nagiisang blog na meron ako. hindi ko na rin alam kung ilang blog na ba ang ginawa ko, kung ilan yung ginawa ko pero hindi ko nilagyan ng post, kung ilan yung nilagyan ko ng post pero hindi ko inalagaan, kung ilan yung pinabayaan ko nalang at kung ilan yung binura ko nlang basta cguro dahil nabwisit ako o dahil naisip kong "pu** ako ba nagsulat nito?!". pati lyrics ng kanta hindi ko pinapatawad. may mga kanta pa kong naipost na pag nababasa ko ulit e bigla ko nalang naiisip na… (seryoso?! nagustuhan ko tlga tong kantang to?!). pati mga gawa ng ibang tao, pwede rin. basta nagustuhan ko xmpre. mga gawa kong ewan kung saang lupalop ko pinagkukuha. kapag naiisip ko, siguro talagang masama lang ang loob ko nung mga panahong yun o kaya naman e lasing na lasing na ko kaya ko nasulat yung mga yun. mga eksena sa buhay kong ibang lebel, o kung minsan yung mga ordinaryong nangyayari sa kin. mga nakakatawang nangyayari sa bus o kaya sa jeep. mga ka-ok-ok-an ko sa buhay. mga kagaguhan, mga kasentihan (nakanaman!).

engot din ako e no, e bakit hindi na lang kaya ako nagdiary?! siguro dahil mas madali magtype. sayang nagdorm ako dati, yun tuloy hindi maiblog ang mga naiisip ko. may diary nga pala ako. parang blog, hindi ko alam kung ilang diary meron ako, hindi ko alam kung ilang pages na ang nauubos ko, o kung may naubos na ba ako hanggang dulo. xmpre mas personal pag dun. may mga pangalan, mas may detalye, mas malaman ang storya, mas personal. maraming iyak. maraming tawa. maraming mura. mas mahaba. at malamang walang tangang magtitiyagang magbasa non. kahit ako hindi ko binabasa ulit, nobela kung nobela.

gaya ngayon, hindi ko rin alam kung anong sinusulat ko, kung pano tutuldukan ang bawat pangungusap (hahahaha! hahahaha!). tanga nga e, nagsusulat pero hindi pa rin alam kung anong gustong sabihin. parang nung isang araw na papunta ako ng pasay, nakasakay na ko sa bus hindi ko pa rin alam kung saan ako papunta, kung saan ako bababa, at kung anong susunod kong gagawin. basta ganun na lang. basta sulat na lang ng sulat. dahil kahit anong sabihin ng iba, kahit anong sabihin ko, lahat natatapos. kahit gaano kahirap, kahit sabihin mong hindi mo na kaya, kahit sabihin mo pang kaya mo pa, kahit sabihin mong kakayanin mo pa, kahit nagkakanda-leche-leche na ang lahat, kahit sobrang sakit, kahit sobrang saya, kahit pinipigil mong hindi matapos, kahit minamadali mong tapusin, lilipas din lahat to. natutuldukan. tapos bukas iba na naman…

na naman…

Wednesday, September 13th, 2006

I tear my heart open, I sew myself shut
My weakness is that I care too much
And my scars remind me that the past is real
I tear my heart open just to feel
.

.
Drunk and I’m feeling down
And I just wanna be alone
I’m pissed cause you came around
Why don’t you just go home
Cause you channel all your pain
And I can’t help you fix yourself
You’re making me insane
All I can say is
.

.
I tear my heart open, I sew myself shut
My weakness is that I care too much
And our scars remind us that the past is real
I tear my heart open just to feel
.

.
I tried to help you once
Against my own advice
I saw you going down
But you never realized
That you’re drowning in the water
So I offered you my hand
Compassions in my nature
Tonight is our last stand
.
.
I’m drunk and I’m feeling down
And I just wanna be alone
You shouldn’t ever come around
Why don’t you just go home?
Cause you’re drowning in the water
And I tried to grab your hand
And I left my heart open
But you didn’t understand
But you didn’t understand
Go fix yourself
.

.
I can’t help you fix yourself
But at least I can say I tried
I’m sorry but I gotta move on with my own life
I can’t help you fix yourself
But at least I can say I tried
I’m sorry but I gotta move on with my own life

mga ginagawa ng mga walang magawa

Wednesday, September 13th, 2006

1. Anong huli mong ginawa bago ka
nagbukas ng friendster mo?
= nagopen ng ym

2. Saan ka huling nagpuntang lugar? Kailan?
Anong ginawa mo don?
= kanina sa palengke, namalengke xmpre!

3. Lagi ka bang gumigimik?
= nope

4. Sino ang lagi mong kasama pag gumigimik
ka?
=

5. Mahilig ka ba sa Italian food?
= ayus lang

6. Kumakain ka ba ng isaw?
= nope

7. Madali ka bang magkacrush?
=

8. Madali ka bang main love?
=

10. Nagagalit ka ba sa sarili mo?
= minsan

11. Prangka ka ba?
= hindi maxado

12. Umiyak ka na ba sa harap ng ibang tao?
= xmpre naman

13. Bakit ka umiyak?
= tsismoso!

14. Maarte ka ba?
= oo

15. May bf/gf ka ba ngayon?
= it’s complicated! wahahahahahah!

16. Sweet ka ba?
= hindi

17. Mahilig ka bang mang-asar?
= medyo (lalo na kung si tiger lily ang aasarin!)

18. May tao na bang nakasakit sayo?
= oo naman

19. May tao bang muntik ng magsuicide dahil
sayo?
= hindi ko alam. wala naman sana

20. May pupuntahan ka ba bukas?
= meron sana. ewan kung tuloy.

21. Kumakain ka ba ng crepe?
= hindi maxado gusto

22. Anong pinakagusto mo autumn, winter,
spring o summer?
= winter winter walang winter dito!

23. Masaya ba ang buhay?
= oo naman!

24. Kailan ka huling nagkaron ng kaaway? sino?
=

25. Anong oras na?
= 4:52p

26. Nasaan ka ngayon? Sinong kasama mo?
= kwarto. wala

27. Kumain ka na ba?
= yup

28. Marunong ka bang magplay ng musical
intrument?
=

29. Marunong ka bang kumanta?
= sa cr lang hehehehe!

30. Nagppray ka ba?
= oo naman!

31. Ano ginagawa mo aside from answering this
survey?
= soundtrip

32. May plano kb dis weekend?
= meron.

33. Ano? San ka pupunta?
= akala ko hindi mo itatanong! aalis lang with family.

34. Sino ang malapit ng mgbday?
= si thessa si jame si ate jo ngayon

35. Ano nararamdaman mo ngaun?
= masayang masaya hehehe!

><><><><><><><><><><><><><><><><><><