Archive for November, 2006

Just Like Magic

Monday, November 27th, 2006

.

"papasok ba ko?"

may bago pa ba sa tanong na yan?!

.

i can’t really afford another day off since i would not be attending my duty on friday because of other commitments so i dragged my ass to the mountains of ritm. how i wish there would just come a day that i would willingly attend my hospital duties… (sighs)

.

it was a rather unusual day. there were a lot of patients. kailan naman kasi kaya titigil ang dengue "fever"?! besides that, i got to extract blood from coded patients. this time, i thought of extracting blood from them myself rather than bother other people to do so. i had to be really careful… as in really really careful. i was even reprimanded that i had to practice wearing gloves when extracting blood from them but hell even if i’m wearing gloves, if i get pricked what difference would it make?

.

"jc, hindi talaga ako makakasama…"

what?! hindi makakasama dahil may training?! hindi ba holiday naman ang friday?! my highschool friends planned a party this friday. i was hoping mich would be able to go since i haven’t seen her for four long years but no! she texted me saying that she is not going to make it this friday. i must admit, i was really really really upset about her not going. i felt like i didn’t want to go myself. pero bayad na ko! heller!

.

"…bibilhin ba kita?…"

i wanted to buy a shirt but i can’t get myself to think right because of what mich said. big deal right? she can’t go… so? i don’t really know why i’m soooo affected! it’s like i hate her for not going but of course i can’t hate her that much. i wanted to talk to her and convince her to go but i know it will only hurt me more to still ask her (beg her even) and have her say no in the end so i didn’t even bother. after trying on a lot of shirts, i just gave up and went on my way home.

.

"…tangina! e di etong suot ko na lang ang susuotin ko!…"

.

"…i want to feel better please!…"

i don’t really know if my world has just turned fast-paced and toxic or it’s just me imagining things. lately, i have been feeling all tired and crappy. i want to skip duties even if it’s just the start of the week. i don’t want to get up from bed in the morning and at the end of the day i just want to lie on my bed and dream away. i always feel tired and my body keeps demanding for a day off. there’s something really wrong. i feel like my world is grumbling into tiny platelet-sized unglueable pieces!

.

i walked out of robinson’s department store thinking of only one thing…

.

"java chip frappuccino… tall…"

after ten excruciating minutes of waiting for my frappuccino, i almost felt like crap. ANG TAGAL! as in ANG TAGAL TAGAL! i even saw other people in line had their coffees served. so where’s mine?

.

"…excuse me! java chip frap…"

sa’kin ka nagbayad db? ok naalala nya… yup. pero yung isang babae ang kumuha? yup. upo ka muna, nakakahiya naman. i-se-serve ko nalang yung coffee mo. 

tell me, why do i feel even crappier than when i first entered the room? i sat down in despair and sheer disappointment. the thought of HIM talking to me can’t even melt the heavy feeling i have in my heart. this is one of my comfort foods we’re talking about here and they can’t even serve me right away! DAMN IT!

.

i felt tired… so tired that i hoped starbucks would magically turn into a dream bedroom with a queen-size bed and lots of pillows wrapped in Egyptian silk cases. i looked out and stared at particularly nothing. my mind was ready to go to outer space then came Wilson… (hell yeah! i finally got his name!)

.

"i made it grande. nakakahiya naman kase e…"

a lot of words want to come tumbling out of my mouth… too many in fact that i think they all got stranded somewhere along my throat. i can’t do anything but smile and say "thank you." it’s as if every other word that i want to say is simply converted to thank you. i mean really he didn’t have to do what he did. but the fact that he did it made it a whole lot sweeter.

.

i walked out of starbucks with this grande java chip frappuccino on my hand and this goofy smile on my face. and just like that my world was whole again… 

Happy Feet

Saturday, November 25th, 2006

Poster_happy_feet

.

movie ulit with deds… plus leo and irene.

.

nood kayo nito, hindi lang feet ang magiging masaya sa inyo!

.

ALOK BATI

Tuesday, November 21st, 2006

.

salamat ma’am ressa sa lunch! sarap ng baked mac! salamat din po sa paghatid sa festi. kuya christian, tenkyu din!

.

happy birthday pala kay ma’am ressa! kaya nga may pakain kanina sa lab.

happy birthday joshy! AMT ka na galing mo!

happy birthday kuya wheng! birthday mo pala! lintek di kita binati kanina!

belated happi happi marc (10), ate jen (11) at kay mich (14)

.

salamat din sa masayang hapon nung sunday! lucy, ate jen, mich… sa uulitin po mga pare koi!

.

hi pala kay tine! nakita ko si neville sa festi! sa freshaire pa ah! of all places! sarap non! sana pag nagkaboylet din ako sasamahan ako sa salon tapos maghihintay lang xa don ng mga tatlong oras lang naman! hahahaha!

.

hi rj! hindi mo pa ko tinatawagan! miss na kita my ice craze buddy!

.

good luck lucy sa boards! alabyu sis!

.

jobs! namimiss na kita! reigna promise dapat makadalaw na tayo kela jeng sa christmas break nyo! galingan mo dun sa report eklavu mo! kaya mo yan! blessa! hindi ka na nagpaparamdam saken! pati ikaw jona! msjaimie namimiss na kita! irene! happy feet na!

.

ate jo, miss na kita!

.

ghel, congrats!

.

reb, lolo ka na! wahahahahah!

.

hoi champoi, buti naalala mo kong itext hahaha! saka na kita ulit kkwentuhan, poorita ang lola mo ngayon!

.

bes! sa sabado ah! sa friday ko na aayusin yung lintik mong friendster wahahahahaha! babaguhin ko yung skin ng profile mong pangit! hahahaha!

.

i-pplug ko lang po ang happy feet. nood kau!

.

Bobble Head

Tuesday, November 21st, 2006

.

"ayokong pumasok…"

may bago pa ba jancarli? agang-aga tinatamad ka na naman.

.

"pag hindi ako ginising, hindi ako papasok…"

aba! may kondishon pa!

.

"gising na, tanghali na!"

argghhhh! PLEASE GO AWAY!

.

alam mo kasi jancarli, bumangon ka na! paliguan mo yang tamad mong katawan! lintek!

.

akalain mo, bihis na ko’t nakapagtoothbrush, iniisip ko pa rin kung papasok ako?! kamusta ka naman?! at dahil nga tamad na tamad na tamad na tamad at tinatamad talaga ako, 7:40 na ko umalis ng bahay. hindi pa ko nagffreak out na LATE NA KO!

.

"alabang.. susana heights.. SAKAY NA!"

buti naman at madali lang sumakay ngayon. traffic pero wala akong pakialam. nagddaydream na ang maganda kong kunsensya nang bigla nalang akong nabagabag ng babaeng katabi ko sa kanan. nakapikit ito. hindi naman sya nagdadasal. at mukhang hindi naman sya pagod. sa katunayan, nakita ko pa siyang nakadilat nung nasa tollgate pa lang kami. pumikit lang sya pagkalagpas ng tollgate. wala namang kaso na nakapikit sya dahil marami ding ibang taong nakapikit nung mga panahong yun sa jeep. ang nakakabagabag lang sa pangyayaring ito e nung bigla syang nagtransform!

.

"NAMPUCHA! TULOG NA?!"

teka teka! naalala ko tuloy ang orig na rakistang tulog. hindi naman pala siya ganun kalala! ano kaya sya?

.

"TEN-TENEN-TENEN-TEN! GO GO BOBBLE HEAD!"

sa bawat bako ng kalsada sa south super traffic, para xang bobble head na nakalagay sa kotse! hala sige! tuluy-tuloy lang ang ugoy ng ulo! dumating din ang pagkakataong napagod sya at sumandal sa balikat ko.

.

"ANAK NG TINAPA! TULOG NA NGA!"

TULOG NA?! tulog na! pwede ba wag nang makulit! tulog na nga e! parang gusto ko xang gisingin at sabihing…

.

"MISS BYAHENG ALABANG LANG TO! 30 MINUTES LANG TONG BYAHENG TO!"

kanya-kanyang trip lang yan! ikaw cali pakialamera masyado e! gusto nyang matulog e! magagawa mo! bakit inggit ka?! e di matulog ka rin!

.

lumiko kami sa exit papuntang filinvest. hindi sya natinag sa pagkakatulog pero sumabay sa pagliko ng jeep ang paglipat ng ulo nya sa balikat ng isa pang babae.

.

"ANONG FEELING MO UNAN MO KO?!" (sabay tapikin ng malakas gamit ang balikat ang ulo ng kawawang bobble head) TSSSG!

at sa wakas, lumayo ang ispirito ng bobble head sa katawan nya. nagising syang at tila sinasabi ng mukha niyang…

.

"NASAN AKO?"

gusto ko sanang sabihin sa kanyang…

.

"UNGGOY! NASA JEEP KA! ALABANG NA TO! GISIIIIIIING!"

.

Ang gulo mo jancarli!

Monday, November 20th, 2006

.

"If you don’t go after what you want, you’ll never have it. If you don’t ask, the answer is always no. If you don’t step forward, you’re always in the same place. Take risks… for life goes on."

matagal ko nang sinabi na pampublic hospital ako. bukod sa maraming benefits at ok ang pasweldo, maliit lang ang posibilidad na makaharap ako ng mayamang matapobre! (hehehehe!) nung isang linggo, para bang pakiramdam ko handa na kong itapon lahat ng nasimulan ko. parang pakiramdam ko wala na akong pakialam at kayang-kaya kong umalis ng walang paa-paalam. praning naman kasi ako noong mga panahong yun e! natatakot ako pero may bahagi ng pagkatao kong nagagalit! pakiramdam ko, bata akong inaagawan ng candy! walang magawa kundi ang magmuryot at umiyak!

.

pagkatapos ng tatlong araw na bakasyon, malinaw na ang utak ko. masarap pala talagang may mga taong mapaghihingahan ng sama ng loob. (akala ko kasi noon, lahat ng problema pwedeng sarilinin… tsktsk! MALI!) bumalik ako kanina sa training, wala nang galit, wala na ring takot. paminsan nga, pag naaalala ko yung nangyari, natatawa na lang ako sa naging reaksyon ko.

.

ganito lang yan e, kung gusto mo talaga ang isang bagay, kailangang ipaglaban mo yun. pero alam mo, gaya ng maraming kontradiksyon sa mundo, minsan talaga kahit gaano mo kagusto ang isang bagay, kahit anong hirap mong makuha yung gusto mo, kung hindi talaga para sayo, kahit tumambling ka pa pababa ng RCBC plaza, wala ring mangyayari!

.

ang nakakapraning na tanong jan, kailan ka titigil sa paglaban? paano mo malalaman na oras na pala para sumuko? pag nasagot mo yan, i-text mo ko!

Pabili nga ng Hepa A

Monday, November 20th, 2006

gusto ko ng fishball. limang piso. yung nabibili sa labas ng school namin. yung nilalako lang. yung nakakatakam intayin habang niluluto. yung lutong-luto… yung bagong luto! yung makikipag-agawan ka pa sa pagtusok ng lutung-lutong piraso. yung ang sawsawan e sawsawan ng bayan! isawsaw sa maanghang, sa matamis… MMMMMMMMM! teka bitin pa, manong sampung piso na nga!

Balang Araw

Monday, November 20th, 2006

Someday you’re gonna realize
One day you’ll see this though my eyes
By then I won’t even be there
I’ll be happy somewhere
Even if I cared
I know you don’t really see my worth
You think you’re the best guy on earth
Well I’ve got news for you
I know I’m not that strong
But it won’t take long
Won’t take long

Someday someone’s gonna love me
The way I wanted you to need me
Someday someone’s gonna take your place
One day I’ll forget about you
Someday someday

Right now I know you can tell
I’m down and I’m not doing well
But one day these tears they will all run dry
I won’t have to cry, sweet goodbye

.

for the record, isang linggo na kong hindi nagsesenti. pero yung maganda kong kunsensha may hang-over pa rin! ayan ang nagugustuhan nyang kanta nitong mga nakaraang araw!

Usapang Mangga

Sunday, November 19th, 2006

.

"… (deleted) ! BWISIT!… Ano bang problema mong computer ka ha!"

may gumalaw sa pc nung wala ako. MABAGAL! AS IN MABAGAL! Tulog na ko hindi pa rin nagloload yung explorer! AHA! May pangit na PANDA na icon sa taskbar ko! sino ang pangit na pandang yan?! PINAPAINIT NYA ANG ULO KO!

.

"… four months?!"

minsan parang nakakamatay maghintay. hindi ko alam dati kung gusto ko pa bang dumaan ng externship program. pero anong gagawin ko kung hindi ako mageextern? magiging parang mangga ako na hindi pa hinog napagtripan na agad sungkitin. masyadong maasim. hindi masarap. ayoko naman maging ganon. 

.

"… parang hindi (ko ata sya makakalimutan), nasa puso ko na yun e…"

una sa lahat, hindi ako ang nagsabi nyan! (depensib! tsk!) ilang beses ko na sinabi na kakalimutan ko si (toooooot tooooot!) pero ang totoo nyan maraming beses din akong bumagsak sa pagdadramang sana bumalik sya. mali pala kasi ang ginagawa ko. gusto ko kasi noon makahanap ako ng dahilan para magalit sa kanya, para makalimutan ko yung lintik na nararamdaman ko! ang tagal tagal kong tinago hanggang sa tuluyang mabulok lahat ng nararamdaman ko. wala rin, wa epek! dumating din yung isang araw na sumabog ako. ang nakakatawa jan, nung naamin ko sa sarili ko (at siguro sa ibang tao) kung ano yung nararamdaman ko, parang mas naging madali magmove on, mag let go, at kung ano pang term na naiisip mo sige na… wala nang galit. hindi na rin masakit.

.

gusto na lang natin lagi na instant! presto! parang magic! pero may mga bagay (o tao) na kailangan ng panahon. panahon para matuto. panahon para maging totoo. panahon para mag-isip. panahon para himayin yung mga nangyari. panahon para gawin ang mga dapat gawin. parang ako… parang ikaw! dahil kung sa mangga lang, mas gugustuhin ko nang maghintay at kumain ng masarap kaysa naman matikman yung pamatay na asim ng hinog sa pilit!

.   

The Covenant

Sunday, November 19th, 2006

Poster_covenant

.

nood kayo may gwapo dito sa movie na to! hahahaha! maganda ba? ahhhhmmm….

.

bahala na si batman

Thursday, November 16th, 2006

.

NAKAKALURKA ANG LINGGONG TO AH!

.

"…be strong sis! kaya mo yan!"

yan ang lagi kong sinasabi sa kabarkada ko kapag namumroblema na naman sya. yan din yung sinabi ko nung lunes nung unang beses kong maramdaman na ayoko nang pumasok. tuesday na nung nakumbinse ko ung sarili kong pumasok, sayang nga naman ang training! pero wag ka, nalurka naman ako nung tuesday! wag daw akong umabsent ng wednesday dahil kailangan ng tao sa lab. madali lang naman akong pakiusapan, e di sige. MAS nakakalurka naman yung wednesday. thursday, sana matapos na ang week! akala ko pa naman magiging maayos ang maghapon dahil maraming tao sa lab. timing na timing pang meron ako at mainitin ang ulo. alam mo yung feeling na gusto mong sabihin sa isang tao na lumayo ka sakin! pero hindi mo magawa! parang sobrang trapped ka na kulang na lang makipagtagu-taguan ka sa kanya para lang hindi ka malapitan o maistorbo. let’s just cut the bullshit. sabihin na lang nating… ******’S NUTS! ******’S CRAZY! IT’S NOT JUST THE USUAL CRAZY BUT THERE’S SOMETHING REALLY WRONG ABOUT THIS PERSON! KAILANGAN NYA NG PROFESSIONAL HELP! (ako din kailangan ko ng tulong!!!! heeeellllp!) Sobrang halo-halong emotion ng natatawa, napapraning, naiinis at natatakot ako sa kanya. Parang hindi nya nagegets yung mga sinasabi ng mga tao sa kanya tapos gagawin nya kung anong gusto nya. (haay! nakakafrustrate magkwento. hindi ko kasi pwedeng sabihin dito lahat ng detalye!) HINDI KO KAYA YUNG GANITONG SET-UP. HINDI NA TALAGA MATINO E. BUTI SANA KUNG MAY NATITIRA PANG KATINUAN SA PAGKATAO NYA E, E WALA NA ATA TLGA E! BAKA MAMAYA MAGING BAYOLENTE PA YUN NOH! FEELING KO TALAGA HINDI KAKAYANIN NG POWERS KO ANG ISANG BUONG LINGGO KASAMA SYA. PAG NANGYARI YUN, MABABALIW DIN AKO! YUN YUN! NATATAKOT TLGA AKO SA KANYA PRAMIS!

.

umuwi akong umiiyak kahapon (thursday). with matching sinok at hikbi pa yun ah. mega maga ang mata at parang lahat ng dugo sa katawan ko umakyat sa ulo ko. ngayon ko lang naexperience na kahit nasa jeep na ko at pauwi, umiiyak pa rin ako! this time, hindi ko na talaga kaya. hindi ko na kayang magpasensya. hindi ko na kayang magtiis. wala na kong kayang ibigay. wala na. as in wala na. AS IN WALANG WALA NA. i just don’t want to be around ****** anymore. parang nawawalan ako ng ganang matuto. nawawalan ako ng ganang pumasok. it’s all just too much to take.

.

"wag ka na munang pumasok bukas.. baka bumalik.."

magpahinga at magrecharge? sa totoo lang, hindi ko alam kung gusto ko pang bumalik. sayang. pero natatakot kasi ako. sure, baka wala na sya sa ibang araw. pero masyado nya kasing pinagpipilitan yung gusto nya! para syang three-year old na gagawin yung sinasabing wag gawin. kahit sabihin pa sa kanyang wag nang pumasok, papasok pa rin. kahit sabihin sa kanyang hindi pa xa tanggap, papasok pa rin! nakakatakot talaga! gusto mong pumasok, be my guest. pero ako ayoko muna! hindi ko pa rin sigurado kung gusto ko pang bumalik. ang tagal tagal kong ginusto dun pero parang ngayon nagdadalawang-isip ako. pero ayoko na rin munang mag-isip. sobra tong experience na to. at tangina hindi ko pa maikwento ng maayos dahil sa masasagasaang specifics!