Life’s remote control has only one button… PLAY!
Sunday, December 31st, 2006.
bagong taon na! nakalimutan ko palang tumalon kagabi! pano na yan? e di hindi na ko tatanggad! wala na talaga kong pag-asa! hahaha!
.
tuwing pasko o kaya bagong taon, lagi kong naiisip yung mga nangyari sa buhay ko dati. yung mga christmas party sa school na pinuntahan ko tska yung paggala namin pagkatapos ng mga party. mga exchange gift. paglalaro ng mga korning games. panonood ng christmas program. tapos sasali kung kailangan. pagkatapos non, puro text muna sa mga classmate. sa panibagong taon na lang ulit sila makikita.
.
ang totoo, namimiss ko yung mga kaklase ko nung highschool. puro reklamo pa ko na gusto ko nang gumraduate at magcollege. kako gusto ko nang magtrabaho. aba! kung alam ko lang naman palang ganito ang mararamdaman ko ngayon, e di sana sinulit ko na lahat! bakit ba kasi pangmayaman lang ang digicam noon?
.
mag-iisang taon na kong graduate pero kamusta naman at wala pa rin akong trabaho. may board exam na pagkatapos ng graduation, puro training pa pag nakapasa ka. mahirap. pero kaya naman. nakakakaba kasi baguhan ka pa. may mga taong kung anu-anong expectations sayo, feeling nila alam mo lahat! (ok lang kayo?!)
.
nakaka-miss yung mga panahong patakbo-takbo lang ako sa corridor. yung panahong paiba-iba ang teachers ko at kahit 45 minutes lang ang klase, para bang makakatulog ako! yung ang mga kaklase ko e mga kaklase ko nung gradeschool pa! at yung mga kabarkada ko e malapit lang yung bahay samin. yung kapag may program pwede kayong tumakas pauwi. yung pagkatapos ng klase tatambay muna kayo sa kung saan mang bahay at kakain ng pancit canton. tana! naririnig ko na tuloy si Gary Valenciano…
.
"SANA MAULIT MULI…
ANG MGA ORAS NATING NAKARAAN…
…IBALIK ANG KAHAPON SANDALING DI MAPAPANTAYAN…
…ETO ANG TANGING NAIS KO ANG ATING KAHAPON SANA MAULIT MULI…"
.
pero no choice e, kahit anong gawin kong pigil at panghihinayang, iniiwan ako ng mga araw sa nakabaon sa mga alaala ng kahapon. (NAKANAMAN! AMP!) hindi pwedeng magfast-forward sa future at hindi pwedeng magrewind. walang pause. walang stop. walang slow motion. play. play. puro play. kaya habang nandito pa sa scene na to, sulitin na ang pag-arte!
.