Jehovah Jireh
Saturday, July 28th, 2007.
"GOD WILL PROVIDE!"
paulit-ulit ko nang sinasabi to. magagasgas na tong linyang to saken! si God, mabait talaga. kahit sa pasaway na katulad ko. ilang araw na ba na kahit mainit ang ulo ko e pinagpapasensyahan pa rin ako ni God. kahit na late akong gumigising o nakakatulog man sa bus, nakakarating pa rin ako sa work ng 6:29! san ka pa?! may malupit na divine intervention talaga!
july 27. friday night. nung pauwi ako, tinext ko yung kaibigan ko kung tuloy ba yung lakad namin. may plano daw sya for the night. naisip kong friday night movie nga pala sa CCF. tinext ko si viene. wahlah! may kasama na kong manood nang movie! at take note! IT’S FREE!
july 28. sabado. ngayon yung araw na na-set para sa cinemalaya na kasama ko yung mga college friends ko. (yun nga lang pala, tatlo lang silang dumating kasi yung tatlo pa, nagbbusybusyhan!). ang masaya pa jan? yung isa kong dorm mate dati na kasama ko last year sa cinemalaya, nacontact ko ulit! tagal na kaya naming di nagkikita!
inintay ko sila sa starbucks sa may vito cruz. papalampasin ko ba naman ang pagtambay sa starbucks ng walang java chip frap? xmpre hindi! nung umorder ako, napansin kong mahaba yung resibo ko. kako, baka hindi nabigyan nung barista ng resibo yung bumili bago ako. pero hindi! akalain mong nabigyan ako ng complimentary drink!!! ang bait talaga ni Lord! alam nya kasing wala na kong pera! nyahahahaha! God will provide!
nung nasa starbucks na lahat, dumerecho na kami sa CCP. akalain mo nga naman talaga ang powers ni God! nakadelehensya pa kami ng passes! isipin mo naman lima kaya kami! at lahat kami nakakapasok sa theater ng walang bayad! ganun kalupit yun! sayang nga lang hindi ko naabutan yung ‘nineball’ sa shorts A. late na kasi kaming dumating. pero ayos lang. maganda yung still life! sobrang natuwa ako! yung pisay, puno ng words of wisdom. nakanaman!
salamat nga pala kay reigna, jame at roger sa pagpunta. nawa e nagenjoy kayo.
salamat kay jo… eto na naman tayo! next year ulit!
salamat ng maraming marami kay mama kris! salamat po sa passes at sa dinner.
at salamat sa nanay at tatay kong pumayag na gumala ako hehehhe!
at salamat ng marami kay God. astig na experience! can’t wait for next year. sana mas lumawak pa ang audience na ma-reach ng indie films.
God will provide me with what i need. and if He wills it, He will give me what i want. at kahit kailan, hindi magagasgas ang "GOD WILL PROVIDE." after all, He gave His only Son, why else would He not give freely everything else?