Archive for September, 2007

PING!

Friday, September 28th, 2007

.
gusto ko sanang maging katulad mo pero naisip kong hindi na lang pala. dahil iba pala ako sayo. iba rin yung mundong kinasanayan mo. 

sana makita nga kita. pag nagkataon baka himatayin ako. haha! marinig ko man lang kahit kaunti nung musikang pinakamamahal mo. sana nakita mo na talaga yung gusto mo. yung ibibigay mo lahat. yung hindi na naiintindihan ng iba. nakakainggit ka. sana maramdaman ko rin yan balang-araw.

pero masaya akong sa wakas nakita na kita kahit dito lang. kahit saglit makita ung mundo mo. nakakatuwa nga pla yung mga litrato mo sa edsa. haha!

sana marami pang blessings para sayo. pag may lisensya na ko, dadayo din ako sa penpen. hahaha! basta natutuwa lang ako sayo. walang ere.
.
.
.
sabi nila, people never plan to fail, they just fail to plan.

pwede bang dagdagan? some, fail to follow the plan. ako yun!
.
.
.
masaya ako! parang nakalaklak ako ng isang litrong kapeng barako. wala pa rin akong nagagawang productive ngayong araw na to pero masaya pa rin ako! haha! yan tuloy ang dami ko nang lalabhan. tsktsk! pero hindi pa naman huli ang lahat. mamaya na lang ulit ako magbblog ng mga pictures.
.
.
.
sabi ko na nga ba, masama ang nagkukulong sa kwarto.

Sunday, September 16th, 2007

.
nadudurog na naman yung mundo ko.

ang mundo kong ngayon e tiny-platelet-sized-ungluable-pieces na.

eto ligaw na naman.

litang na naman.

bakit kaya?

ilang buwan pa lang naman yung lumilipas nung huli kong nasabing "alam ko na."

wala pang dalawang buwan ang lumilipas, hindi ko na ulit alam.

at ayoko na rin mag-isip.

ayoko nang mamrublema.

problema ko man yan o ng ibang tao.

punung-puno na ng negative vibes yung mundo ko.

kulang sa pokus. hokuspokus!

ano bang meron? bakit ang dilim dilim ng paligid?

brownout siguro.

tama na nga.

hello writer’s block.

nawawala na naman ako sa sarili.

tulungan nyo naman akong maghanap.
.

Sunday, September 16th, 2007

aww… first place?!?!?!

kung sanang hindi nasira yung pyramid sa opening, di sana champion pa rin.

pero kahit ano pa, mahal ko pa rin ang uste!

syempre naman! tomasino ako e!

CONGRATS! SALINGGAWI DANCE TROUPE! FIRST PLACE UAAP CHEERDANCE COMPETITION!

5 long years!!!! astig kayo!

bawi nalang next year!

doctor quack quack!

Tuesday, September 11th, 2007

.
"i don’t want you to extract blood from my daughter… I’m a doctor!"

una sa lahat, gusto ko lang klaruhin na hindi sakin sinabi yang litanyang yan.

at dahil sa hindi nga sakin sinabi yan, alam kong sasabihin ng iba na wala naman akong dapat na pakialam.

pero may opinyon pa rin ako.

nasabi ang linyang yan kasi nakita nung nagsabi nyan na nakadalawang tusok yung kumukuha ng dugo dun sa isang pasyente bago yung anak nya.

natakot siguro na madalawahan din yung anak nya.

ok lang sana yun.

PERO!!!

sana naman sabihin ng maayos. apektado ako dahil narinig ko ang intonation nya nung sinabi nya yung linyang "I’M A DOCTOR". so anong ibig mong sabihin ha?!

ANG YABANG!!!

yan ang unang reaksyon ko nung narinig ko yan. sarap sanang patulan pero ano pa nga ba… e di, pagbigyan.

eto lang naman ang sakin. dahil ako minsan nakakadalawang tusok din. hindi naman namin gustong magdalawang tusok no?! anong tingin nyo samin? nananadya?! tska kung ayaw nyong samin magpakuha, kung gusto nyo ibang medtech, pwede sabihin naman ng maayos kasi nakakainsulto e. kung alam nyo lang, paminsan mahirap din kumuha ng dugo lalo na dun sa mga maliliit ang ugat! (palagay ko’y mga walang gawang mahirap to sa buhay kaya hindi lumalaki ang ugat!)

i’m a doctor!

tinatanong ba?!?! pwede wag masyadong mayabang.

e kung bigwasan kaya kita jan!

kainis talaga! ay naku naaasar lang talaga ko! pasensya na sa mga taong nakakabasa at nagsasabing di na para isulat. pero naman wag naman sanang magsalita ng ganyan na nakakapanliit. you are a doctor? SO WHAT?!?! as far as i’m concerned, we are all equal in the sight of God. no doctors, no medtechs. no labels.
.

Ahem! Ahem!!

Friday, September 7th, 2007

.
hindi ko mapigilan na hindi isulat to. bakit? e kasi naman! e kasi naman! e kasi naman nakakapanggalit talaga!

teka teka.

oo pala, hindi ko na babawiin. nakakapanggalit nga.

ganito kasi yan. isang magandang araw ang bumungad sakin. masaya pa naman ako kasi first time ito sa history ko! kamusta naman! nagbasa ako ng libro at talagang nakuha nito ang interes ko. take note: hindi to love story! kaya ang galing talaga!

hindi naman importante yun kaya eto na talaga yung kwento.

(teka. bago ko ituloy ang kwento, gusto ko lang sabihin na pinag-isipan ko kung isusulat ko to o hindi. naisip kong sige na at maikwento na… pinag-isipan ko rin kung pano to ikkwento. nahihirapan na ko kung paano to gagawing kwentong barbero kaya sige na, sasabihin ko na kung paano talaga naganap ang mga pangyayari.)

tatlong araw.

tatlong araw kailangang magkolekta ng plema ng isang pasyenteng hinihinalang may TB. paraan to para masiguro na TB nga ang sakit ng pasyente. kung ganon nga, sasailalim ang nasabing pasyente (yung may TB) sa DOTS (directly observed treatment, short course). OO NAGAGAMOT ANG TB! (pwera na lang kung wa epek  sayo ang antibiotics.)

may isang lalaking naka-wheel chair. dahil naka-wheel chair sya, binigyan siya ng priyoridad. kasama nyang pumasok ang isang babae. hinala ko, asawa nya to.

dalawang araw. nakapagkolekta naman ang lalaking ito. maayos silang lumalabas-masok sa collection room.

sa pangatlong araw, sa hindi ko malamang dahilan, naging mahigpit ang isa kong kasama sa pagbabantay sa kanya. tutok kung tutok. doon lang sya sa harap ng pinto ng cubicle. aba’y e di sige. walang kaso naman yun.

pero weird… db?

lumapit ako. nakiusyoso.

baka lagyan nung babae yung cup.

(translation: baka raw yung babae ang nagkokolekta ng plema at hindi yung lalaking pasyente)

bisaya ang salita nung mag-asawa. hindi ako nakakaintindi ng bisaya pero halata naman na nagkakainitan na sila dahil sa tono ng boses.

yung matandang lalaki, kahit anong pilit, kahit anong tapik sa likod (teka kaklaruhin ko to mamaya), at kahit anong kumbinsi, hindi umuubo.

naiintindihan ko naman. hindi naman talaga umuubo yung matanda. kahit laway lang, hindi sya makapaglagay sa cup. ang tanong: paano kaya siya nagkolekta nung unang dalawang araw?!?!?!

pero hindi naman yan ang rason kung bakit ko to sinulat. sinulat ko to dahil naiinis ako dun sa babaeng matanda.

may i tapik the likod of tatay ang drama ni nanay! (oo naiinis talaga ako!)

e pano naman kasi ang tapik. parang nakakamatay na hampas sa likod.

pinipilit nung babae yung lalaki na umubo. sinasample-an nya pa nga ito. uubo sya at ipapagaya sa lalaki. pero si lalaki, ayaw umubo.

kaya etong si babae, imbis na sa likod tapikin yung lalaki e hinahawakan yung leeg nung lalaki at pinupwersa itong dumura sa cup.

HELLO!!!!! HINDI NA NGA KAYA!!!!!

hindi lang yan! dahil nga nahihirapan na yung lalaki, binibigyan sya nung kasama ko ng tubig. pinapainom naman nitong babae pero, ngunit, subalit, datapwat! pagkatapos painumin e eto na naman at patuloy sa pagbatok yung babae!

TAMA NA!

sinubukan pang kumbinsihin ulit yung lalaki. pero ayaw na talaga nito. sinasabi nya lang sa bisaya na "ikaw na ang maglagay" dun sa babae.

may pagkakataon pang dinudutdot (oo, dinudutdot!) nung babae yung bibig nung lalaki para lang makakuha ng laway man lang.

AKALAIN MO YUN! ILALAGAY YUNG MARUMI NYANG DALIRI SA BIBIG MO PARA LANG KUMUHA NG LAWAY?!?! ano ba?!

makailang ulit pa ng pamimilit at nagsisigawan na ang dalawang matanda. yung lalaki, nagmumura na. siguro’y sobrang aburido na rin. syempre naman. lalaki pa rin sya, kahit pano, nasasaktan pa rin ang ego. at kahit ako man, magagalit ako!

ABA! wala namang bastusan! syempre marami kaming nakakita. tapos panay pa ang pilit nung babae.

namumula na sa galit yung lalaki. parang gusto nang umiyak. hapo na rin at sa palagay ko’y sobrang inis na rin. kahit nga ako naiinis, ako pa lang yun na nakapanood nitong eksenang to!

at ano pa nga bang maiisip ng malikot namin utak?

kahit naman bali-baliktarin ang mundo parang sapat na ang ebidensya na dinaya nila yung unang dalawang araw. pero sabi nga, "give them the benefit of the doubt."

haaay…

eto lang ang punto ko lang e… aba! wala namang bastusan! nakabastos naman na, sa harap ng ibang tao e gaganunin ka. at syempre pa, sana naman kung hindi talaga kaya, e wag namang pilitin. nagkakasakitan pa tuloy. nagkakadayaan pa. o sige, benefit of the doubt. haay buhay!

paano natapos ang kwento? dalawang oras ang nakalipas, tinapos na ang pangbabayolenteng pisikal nung babae sa lalaki. hindi kinaya ng sikmura nung isa pa naming kasama. naiimagine nya sigurong sya yung lalaki, at syempre naman, kahit sya man e ayaw makaranas ng ganoong klase ng pamimisikal. sinong taong nasa tamang katinuan naman kaya ang gugustuhin yon?! nga pala, uulit sa collection yung lalaki. balik ulit sya sa unang araw. at babayaran pa nila yung tatlong araw pang pagkolekta. ayan! aral yan… na huwag manlamang ng kapwa. na huwag mandaya kahit sa tingin mo’y makakalusot. pwede kang magsinungaling sa lahat ng tao sa mundo pwera lang sa dalawa… sa sarili mo at sa mga Matang laging nagmamashid. laging nakakakita. kahit san ka pa magtago. wala kang lusot. kaya…. humanda ka!
.
.
.
AHEM!!! AHEM!!!
.
..
…..

Thursday, September 6th, 2007

CONGRATS SA LAHAT NG BAGONG REGISTERED NA MEDTECH!
..
.
.
..
….
..
.
.
CONGRATS REIGNA MAE BARCENAS, RMT! NAKS!!!!

…..
.
.
.
….
..
.

South Super Traffic

Saturday, September 1st, 2007

.
trapik.

parati na lang trapik!

hindi naman ganito dati dito. pero dahil nga may ginagawang road expansion…

trapik.

parati na lang trapik!

pana-panahon naman ang trapik dito. kapag malakas ang ulan. kapag hapon na at kasagsagan ng pag-uwi ng tao mula sa opisina. kapag gabi na at pauwi na sa bahay ang mga taong gumala. kapag may tumirik na sasakyan. kapag may aksidente. kapag maraming sasakyan.

pero nakakarimarim!

nakakainis!

sa tuwing uuwi ako, ang dapat na sampung minuto lang na byahe e nagiging tatlumpung minuto! at kung talagang swerte, nagiging isang oras pa.

pwede mo na tong samantalahin para sa isang power nap!

ang road expansion program na to. para sa ikabubuti din. para sa ikagaganda nitong highway. para sa ikagagaan ng trapiko.

at isang mahabang leksyon ang araw-araw kong natututunan kapag napapadaan ako dito sa daang ito…

PASENSYA.

humahaba ng humahaba ang akala ko noo’y maikli kong pisi.

ano bang magagawa ko kung talagang matindi ang trapik?

at ano bang makukuha ko kung makukunsumi lang ako ng makukunsumi?

luluwag ba ang kalye kung mababadtrip ako?

walang saysay kung hindi ako magpapasensya. madadagdagan lang ang sakit ng ulo ko.

at ang kalyeng to, parang ako.

UNDER CONSTRUCTION.

kaya pasensya na. sa mga napapadaan sa buhay kong nakukunsumi. at salamat na rin sa mga nagtitiyaga.

lahat naman ng tao, pareho nitong daang to.

kaya lahat kailangan magpasensya.

sorry for the inconvenience.

wala naman dapat ikabahala. darating din ang tamang panahon.

mababakas din ang…

CONSTRUCTION IS FINISHED.

.
.
.
.
mapapamura ka ngayon, magpapasalamat ka bukas.
.