.
sup bloggers! tagal ko ring nawala. busy? siguro. ano na bang bago?
december na!!!!!!!!! im not that excited bout christmas! if you’re wondering why, well malamig pa rin ang pasko ko. hahahaha! but im soooo much excited about the NEW YEAR!!! yup! NEW YEAR!!!!!! bagong taon na!!!!! ibig sabihin din non, malapit na ang birthday ko! hahaha! pero seriously, naeexcite ako sa pag-iisip ng bagong simula. parang gusto kong magplano ng walang hanggan! mag-isip ng mga magandang gawin! mag-isip ng mapagkakaabalahan! mag-isip ng bagong raket! hahaha! parang sa new year ko nakikita yung second chance. yung restart. yung re-live. yung re-plenish. yung re-vitalize. yung lahat ng re-dotdotdot!
enough bout that. pero naeexcite talaga ako!!! gusto ko sanang magpakalasing sa buena noche hahaha! wishful thinking! sana lang by the time na new year na nga e wala akong sakit! malas yun! hahahah!
marami nang nangyari, marami na ring bago. gaya ng SM Tunasan! nag-open sya last november 16 pa. oo! may biglang tumubong SM sa maliit na MUNTI-nlupa! akalain mo nga naman na sa isang napakaliit na lugar ay may apat na malalaking mall! metropolis, Alabang Town Center, Festival Supermall (ang aking paboritong second home!) at ngayon ang SM Tunasan. (lima pala ang mall dun kung gusto nyong isama ang llanas na hindi ko alam ang spelling at hindi ko pa napupuntahan!).
kahit na dalawang floors lang ang SM Tunasan, meron namang apat na sinehan dun. pero hindi pa ko nakakapanood don hehehe! marami ding food chains don. at may mga salon din. may hardware. may computer shop. may grocery pa! at isa pa nandon din ang isa sa mga paborito kong JUICE AVENUE! masarap don! hindi mo maiintindihan yung lasa pero masarap! labo ko! basta masarap don!
bout my friend ryan. well MIA na sya ngayon. sumakay na ng cruise liner at tumulak patungong europa. isa na syang opisyal na bayani ng bagong panahon… (in short OFW!) nakakabilib! dahil sya, alam nya kung anong gusto nya at masyado syang creative at resourceful! dahil alam nya rin kung pano pupuntahan ang mga pangarap nya. astig talaga! well, mamimiss ko sya. hindi ko na sya makakasamang tumayo sa biyaheng lawton… ;(
hindi nga pala ako nakapunta sa PAMET convention. my very first sana pero dahil sa mga circumstances (???) hehehe! hindi ako nakapunta. i was sick that time. sick and tired! hahahaha! i was writing articles. buti na lang dumating ang aking friend na si reb para tumulong sa pagsusulat! ano na lang ang gagawin ko kung hindi siya dumating! although late na kong natapos, my goodness! 6pm na ko natapos. deadline ko dapat e 3pm (na naextend ng 4pm) pero dahil nasusuka na ko sa pagsusulat e sobrang bagal ko na nung hapon. ikaw ba naman ang magtype ng twelve straight hours!
so far so good. ang mga "plano" ko in prep for 2008 e nasusunod naman. pero syempre konti palang yung plano. in short, di pa buo! and i got 3 weeks to finish it. tsktsktsk!
i got new pics. xmpre edited pa rin! gustong gusto ko talaga pag edited ang picture. pero xmpre may mga pictures na wala nang pageedit pang kailangan. breath-taking!
ayun! sabi ko maraming nangyari… pero wala na kong maisulat. sa sobrang dami wala na kong maikwento hahaha!
i watched hitman with jen and leo. i miss them sooo much! libre pala to ni bes! all the more masarap yung food sa kfc! hahahaha! pati yung movie maganda yung action scenes!
at showing na rin ang BATANES. hindi ko pinapansin tong movie na to nung una. kasi hindi ko maisip kung panong si ken zhu (ng f4) e nahalo sa eksena hahahaha! pero nung nalaman kong adolfo alix jr pala tong movie na to, gusto ko nang manood! hahahaha! anyway, mamaya ko pa naman panonoorin to.
sasayaw pala kami sa christmas party ng clinic. nung una, hinayaan ko nang yung mga ka-group ko ang magasikaso, pero nung nalaman kong sasayaw kami ng sexy (Lord wag naman!) e naisip ko agad si ITAD. shet! i underestimated him. ANG GALING NYANG MAGTURO SOBRA! at magaling pa rin syang sumayaw! kahit dati pa naman di ba! hahaha! nakakatawa pa rin sya. gago pa rin! hahahaha! peace tad!
ayun lang naman, im still feeling sick. parang sisipunin ata ako! sinisipon na pala ko ahahahah! walangya yang n95 na mask na yan! kaya ako laging sinisipon dahil jan sa mask na yan e! hehehe!
ayun, namiss ko lang talagang magblog. may mga time na gusto ko na sanang magpost pero walang time, tapos mga 4 days din ata kaming walang internet dahil may problema sa connection. tagal na ring walang matinong post dito (as if meron talaga?!?!) heheheh! so there! magandang umaga sa lahat! have a good one!
.