walang sense na post bago yung cdc evaluation sa tb lab…. tsktsktsk! ayan naaaaaa!!!!!
Tuesday, May 27th, 2008.
gusto kong magsuka ng dugo (chos!) ayokong pumasok bukas!!!!! hindi ko talaga keri to!!!!!!!! HETO NAAA…. HETO NAAAA….. HETO NAAAAAAAAAAAAA WAAAAAAAAAHHH!!! naririnig ko na naman yung malaking bibig ni jay na kumakanta ng doo bi doo. huli tong nagpaikot ikot sa utak ko habang kumukuha ako ng board exam! as in literal! na parang gusto kong pindutin yung ilong ko at hopefully e yun ang stop button na magpapatigil sa pagkanta nya. parang nananakot pa ang walanghiya! eto na… eto naaaa… eto naaaaa waaaaaaaahhh!!!! ayoko naaaaa!!!!! ayokong pumasok bukas!!!! sana friday na!!!! o sabado na sana para pahinga na!!!
e bakit ba kasi ako nagkakaganito kamo? e kasi naman evaluation na namin sa clinic bukas!!!!! AS IN ONE-TIME BIG TIME NA ISANG BUWAN ATA IN THE MAKING!!!! pero bakit nga ba ako nagpapakatoxic… sabi nga nila… "TAO LANG YUNG MGA YON!" ang masasabi ko lang… "TAMA.. .TAO NGA LANG SILA…. PERO TAGA-CDC SILA NO!"
ayokong isiping mega big deal to pero oo big deal talaga.. hindi ko maipagkaila na big deal nga to. sana matapos na lahat to kasi ang dami nang napeperwisho e! muntik pa kong maging official camper! kulang nalang magdala ako ng banig at maglatag dun sa clinic para naman hindi na sayang sa pamasahe kasi ganun din e, nagmumukha na kong boarder dito sa bahay namin. buti na lang paminsan lang yon! at eto na malapit nang matapos…
haayyy! alam ko wla nang sense tong post na to… hahahha!
.
eto pala… salamat dun sa lalaki sa LRT na nag-offer ng seat nya sakin. di ko alam na nageexist pa pala ang mga ganong male species. buti na lang! salamat sa kanya at maganda ang aking umaga! winkwink! hahahah!
kanina naman nung pauwi ako, sumakay ako ng BBL sa buendia. may nakatabi akong babae na may kasamang lalaki (anak nya ata yon)… nung binigyan na kami ng tiket nung kundoktor, tumapat pa samin at nagsabing "SENIOR PO! WALA PONG SENIOR DITO? SENIOR PO KAYO?" (manong nangaasar ka ba?!?!?!?! o nangbabastos?!?!?!?! hahahha!) sabi nung katabi kong babae… "ayyy senior na pala ang tingin sakin? mukha na ba akong senior?!?!" xmpre hindi ko na tlaga napigil tumawa! hahaha! pero nung tumingin naman ako sa kanya, hindi naman xa mukhang senior! naisip ko tuloy… siguro madilim lang tlga!
eto pwde na siguro akong maligo! may gusto sana akong ipost dito… yun nga lang HATE POST yon. gusto ko mang magmura dito sa blog na to, parang wag na lang…. hindi ko na naman gawain yon… (minsan na lang hehehehe!) hindi ako magaaksaya ng panahon para isulat ang mga bagay na ikakasama lang ng loob ko pag naalala ko. besides makakakalimutin naman ako, hahayaan ko na lang na makalimutan ko yung mga nangyayaring hindi ko gusto. long post in the making pa rin yun. siguro isang araw, darating ang panahon na magiging bida sya sa isa sa mga kwento ko. pero hindi ngayon yung araw na yon. hahahahha! gusto ko mang daanin na lang sa tawa ang lahat, minsan nakakatulilig na din sya sa tenga! buti na lang naimbento ang mga earphones!
.
.