Archive for November, 2008

Here’s To New Experiences..

Monday, November 24th, 2008

.

surprise! surprise!

i haven’t been blogging lately. i don’t know if it’s just that i’m busy or if it’s that i have nothing really extraordinary to write. whatever reason there may be, gladly i can say that i am making the most of the time i have right now. i would not deny that there have been a number of times when i spent almost two-thirds of my day at the office. this should not even come as a surprise especially now with the large influx of workload. tiring, perhaps. but i can’t think of a better way to spend my time.

but it’s not all work throughout the week. whenever i get the chance, i always try and go to divisoria. the whole divi experience so far has been extraordinarily wonderful! it has been a great learning experience for me — and an enjoyable one at that. i have gone to places i have never been to before and discovered hidden tiangge’s away from the hustle and bustle of the underground market of the new divisoria mall. i have trodden paths that led to another unfamiliar street but still managed to find my way back to the familiar. certain faces are now being carved in my memory while street smarts are learned one by one. still, there are more yet to be experienced. a bundle more of tricks and tips of the trade can be acquired in due time. for now, i can honestly say that all the trips i had has been a lot of fun and i’m very much looking forward for more.

today i attended my very first customer service seminar. i was so surprised! it turned out to be a lot of fun after all! the truth is, i didn’t want to go because i didn’t know where st. luke’s medical center was in quezon city. a friend told me to just take the jeepney to e. rodriguez and that would take me straight to the hospital. she even noted that i would see the hospital right after i see trinity college and that in front of it is a pizza hut bistro and taco bell. hearing there is a taco bell right in front of st. luke’s medical center got me a little more than excited to go to the seminar. i left the house this morning some minutes after six. an hour and a half later i found myself in front of this institution and i can’t even utter a word except “wow!” corny/hilarious but yea, that’s how things went. i was across the street in complete awe of the buildings that stood tall before me. i felt like a kid seeing something so beautiful for the first time. i made it. i finally made it there. so thank you very much blessa for giving me such detailed information as to how i’d be able to go to st. luke’s medical center. i hope to see you tomorrow.

Things to do… sana. Watch Twilight (hopefully with Lucy and Ryan), Bolt, Burn After Reading, Tropic Thunder at ERASERHEADS Reunion Concert! hmm… go to UST. visit blessa and reigna. Try out that new Dark Cherry Mocha Frap. sana lasang Dark Mocha Frap hehehe! and isa pang trip to Divi. Clean my room and wash my sheets! tska pwede ba tapusin na si Louis Begley! It’s time to move on!!!!!! he he he!

nytnyt dear boyd. :D

Andito na yung ice cream ko!!! wahahaha!

Saturday, November 22nd, 2008

.

sira pc ko!!! may virus na naman!!! huhuhu!

kaya eto nakikiapid sa laptop ng may laptop habang wala yung tunay na may-ari. he he he!

mejo busy this month sa clinic. pano understaffed kami. to make things worse, next week sa main ako pupunta para sa isang customer service seminar. dalawang araw yon. sana pwedeng pumasok na lang sa work?!?! hehehe! ang layo layo naman kasi ng kyusi sa munti no! 8am sa monday kelangan kong makarating sa isang lugar na hindi ko naman alam kung nasan. (balitaan mo na lang ako kung alam mo kung nasan yung st lukes sa kyusi). at 8am to 5pm yung sked dun. ang layo layo na. gabi pa ko makakauwi. sana lang masaya yung seminar, argh!!!! ayoko talagang pumunta!!!!!!!!!!!!!

at since “BUSY” ako, hindi ko pa rin napapanood yung tropic thunder. kelangan kong makita si tom cruise!!!!! nanood kami ng sine kanina… kasama ko si lucy. quantum of solace… wala akong naintindihan. hahahaha! first bond movie na napanood ko. maganda naman yung action scenes kaso parang nakakalusot si james bond. he he he! at hindi ko maintindihan kung bakit hindi nya pa basta nalang barilin kung sine nga yung kaaway nya don. e basta… heheheh! at least i can say that i have watched a bond movie. kahit isa lang! hindi ko nga lang napanood yung casino royale.. kaya siguro di ako makarelate. heheh!

daming discovery sa divi the past two weeks. sarap mamili kahit mahirap. ako pa naman yung hindi mahilig sa shopping hehehe! pero nag-enjoy pa rin ako. dami nang tao ngayon kaya better shop now! he he!

and christmas is coming soon! excited ako kasi mejo mahaba yung bakasyon this december! haaay! at malapit nang umulan ng pera! hahahaha! yun nga lang dahil christmas, maraming gastos! at malapit na rin ang new year!!!!!!!! another start. another year. another set of resolutions that i would have to not do and rewrite the following year. another planner that i would use for a month. another year added to my age. hehehe!

 

at since andito na ang may-ari ng laptop. im out. nytnyt!

November 11, 2008.

Tuesday, November 11th, 2008

hi bud! kakauwi ko lang. maaga ako papasok bukas (sana magkatotoo, hehehehe!) yun nga lang hindi pa ko inaantok.

nun nga palang friday, nakasabay ko si karen sa bus. medtech din yon. astig nga yon e. sa red cross nagttrabaho. dun sa patayan ang work. hahaha! blood bank kasi sya. e walang kaendorse. sa kanya lahat ng gawa. lupit no? yan ang tinatawag na serbisyong tomasino. hehehe! “work for a cause” grabe! kelan ko kaya masasabi yon no? sa ngayon, “work for money” ako. hindi “for a cause.” di bale, kahit naman hindi “for a cause” masasabi ko namang mahal ko yung trabaho ko. yun totoo yon.

nun namang sabado, nagpunta ako ng divisoria. wala lang. namili ng mga laruan. second time, solo flight. natutuwa ako. kasi kahit mahirap mamili don at kahit naglakad ako ng malayo dahil tatanga-tanga akong sumakay ng jeep na byaheng mabini, parang ang sarap sa pakiramdam na may iba akong nagagawang kapakipakinabang. tska hindi lang puro paperworks ang alam ko ngayon. marunong na rin akong mamili at tumawad. naliligaw man minsan, parang nakakagawa rin naman ng paraan. nakakasurvive naman kahit sa isang lugar na kasing toxic ng divi. ewan ko ah, pero kahit pagod… masaya ako. :) with that said, ayan pwede mo nang sabihin na adik ako. hahaha!

nung hapon, nagpunta ako ng san pedro para magpadentista. eksakto! yan ang dahilan ng masakit kong ngipin! hindi tuloy ako makakain ng maayos! pano na yan! mangangayayat ako! wahahahaha!

at nung gabi din yon e nagkita kami ni joseph. same pa rin sya. sya pa rin yung kabarkada ko nung highschool. astig nga e, hindi nakakalimot. at mas machismis pa rin sya kesa sakin! hahaha!

nung sunday, wala… lowbat ako. sleep all day. pero nakapaglaba pa rin naman.

monday… hmmmm… lowbat pa rin… hehehe! nakita ko si sir aldrin ulit. wow! fresh from singapore! dami nga nyang kwento e. parang ang sarap tuloy mamasyal sa singapore. pero saka na… tsktsktsk!

swerte nga nun ni sir aldrin e, akalain mong may target date na sya ng arrival sa U.S. sabagay matagal na rin naman syang nagbabalak magabroad. at least ngayon nagkakatotoo na db? nakakalungkot lang kasi hindi na sya dito magchristmas. tska di na talaga sya babalik sa clinic.

speaking of mga aalis, parang lahat naman ata sila nagbabalak umalis ng pinas. ako lang ba talaga ang hindi nakakaramdam ng urgency na umalis? at bakit kaya? naaabnormal-an tuloy ako sa sarili ko. hindi ko man lang maramdaman na kailangan ko nang umalis. siguro dahil kahit pa’no nageenjoy din ako sa work. nakakalungkot pag naiisip kong maiiwan ako. pero ayon sa kasalukuyang dipinisyon ko ng buhay na gusto ko, parang ok lang din na nasa pinas pa rin ako. masasabi ko naman na masaya ako sa kung anong meron. yun nga lang minsan hindi ko pa rin maiwasan itanong kung nagagamit ko ba yung “full potential.” pag un ang tanong, parang hindi ata. siguro dahil nabobobo na ko sa kakapaubo ng mga taong gustong pumunta sa tate. isa lang naman ang solusyon dun e, e di mag-aral! sabi nga ni marc, ‘towleg!’

kung magsalita ako tungkol sa mga pagseseryoso sa buhay, kala mo kung sinong matanda. kung ibang tao siguro ako, sasabihin kong pwede bang magenjoy ka muna, ineng?! hindi naman masama na magisip ng mga bagay na pangmatagalan, pero wala rin namang masama sa dahan-dahan di ba?

haay bud! bukas… patayan! ewan ko ba kung bakit hindi pa rin ako natutulog. dala siguro to nung macademia-flavored coffee na natikman ko kanina. gising na gising pa rin no kahit sa bus. gwapo nung katabi ko kanina! hahahah! at dahil sa sobrang ka-adik-an ko, napagtripan kong english-in yung naririnig kong eheads na kanta kanina. ahahah! nakakatuwa lang! wala kasi akong magawa sa bus e! ~Hey buddy, i have a problem. Please don’t say “Not again?”~~ hahahahah! ayun nga… understaffed na nga kami ngayon db… bukas, handicap na! dalawa ang kulang namin. paiba iba na nga yung trabaho namin para lang madistribute yung work load. di bale, kaya yan! pare-parehas naman kaming bionic e! hahaha! mukhang kami na ata ang susuko sa kaka-OT ah! lintek!

kakain ako bukas… sana magawa ko yon sa umaga. gusto ko sanang magkape yun nga lang baka manginig ako (at mas lalong hindi makapagprocess ng maayos..) mas ok na sigurong magcoke… hmmm.. bahala na… basta kelangan pumasok ng maaga. ASA!

ayun lang. haaay bud! masaya naman ang buhay db? pwede pang magenjoy. :) good night my dear void.

Sino bang dapat magka-wrinkles?!

Monday, November 3rd, 2008

hi bud,

alam mo maganda na sana yung umaga kanina e. nasira lang. tsk!

ang hirap pag bata ka pa. pag napapaligiran ka ng matatandang walang kinatandaan. ng matatandang bingi na sa boses ng iba. ng matatandang hindi na pwedeng turuan ng bago. yung tipong wala nang ginawang mali. silang mga tama. silang magagaling. na parang ang makinig sa’yo e isang maling pagkakamali. o pag-aaksaya ng oras. hindi ko na rin alam.

alam mo ganon siguro talaga yon no. pag alam ng ibang tao na kaya ka nila, gagawin nalang nila kahit anong gusto nila. maging mabait sayo. maging masungit sayo. maging mabait ulit sayo. tapos sisigawan ka ulit. parang ang liit liit mo tapos parang wala kang ginagawang tama. dahil sila DAW ang may-ari ng monopolyo ng kagalingan at talino ng mundo.

pero alam mo ba kung anong mas nakakatawa? pinipili ko pa ring makinig sa mga ganitong klase ng tao. siguro dahil natatakot ako sa kanila. o natatakot akong masaktan ko sila. o dahil siguro mas matanda sila sakin at yun ang “tama” kong gawin.

ang hirap magbigay ng kasalungat ng binibigay sayo. kung mahirap magsungit sa taong mabuti naman ang pakitungo sayo. mas mahirap maging mabait sa taong kulang na lang literal na apak-apakan ka. leche! sabi nga ni jeremy wolfe, “reciprocity.” o ng new radicals, “you get what you give.”

pero uso lang siguro to sa Earth kasi eto namang si God, iba ang sinasabi. kahit anong gawin sa’yo, dapat sa mabuti ka pa rin. naman Lord! hirap talaga oo!

nakakatakot. pag naiisip kong ayokong maging sya. dahil sa bawat oras na binibigyan ko ng pansin yung mga bagay na ginagawa nya baka mas lalo kong makita yung sarili ko sa kanya. ayokong mangyari yon. nakakarimarim na bangungot.

*to end all these… i just want to say that i regret shutting almost everybody at the office out this afternoon while i was trying to look busy as Fred Durst’s voice resounded in my ears. i’m trying to work on other ways to cope up with stress. he he he! i shouldn’t (and i refuse to!) stress myself about these things! bakit ba kasi masyadong affected? ha, jacy?!

bud, the day actually ain’t that bad (save for the fact that somebody really got the better of me today). i exercised when i got home. surprise! surprise! to michael, thank you for that bleeding love boyce avenue version. it really made my day!

nyt bud. i missed you.