.
“Internet.”
“Name po?”
“Ha?”, bingi talaga ako sa personal. dalawang araw nang walang internet sa bahay. dalawang araw na rin akong natutulog ng maaga at gumigising ng umaga para manood ng kung ano mang replay ang meron sa tv.
“JC.”
“Station 11 na lang po.”
“Saan yon?”, sabay tawa. pero hindi naman talaga ako nagbibiro. Sa totoo lang highschool pa ko nung huling beses akong pumasok ng computer shop. hindi ko tuloy alam kung anong ibig sabihin ng pagpunta ko ngayon dito. kung nanttrip lang ba talaga ako o nakakaranas na ko ng withdrawal symptoms.
wala din naman akong ginagawa talaga pag online ako. kaya eto blog na lang muna ang pagdidiskitahan ko. siguro nga withdrawal symptoms lang to. tsktsktsk!
ang weird pala sa computer shop. walang privacy. nakakaasar pa pag yung katabi mo sinisipat kung anong ginagawa mo. pakialam ba nila no. tska weird bang may nagbblog sa computer shop? gawain lang ba to ng mga taong walang magawa sa bahay nila? gaya nitong unggoy na katabi ko ngayon. bakit nya kaya tinitignan kung anong ginagawa ko kanina. masama ba ha?!?! hmp! batukan ko sya e. tsk!
planado yung buong umaga ko. gising ng maaga. punta ng church. punta ng festival. at kung may oras pa manood ng sine.
nagising naman ako ng maaga. ala-una pa nga lang gising na ko e. nanood ng golden globe habang nanonood ng fracture. hindi ko tuloy nakita yung pangalawang speech ni kate winslet. gusto ko pa naman sya.
alas-syete na nung gumising ako ulit. kumain. naligo. nagbihis. at nautusan maghugas ng plato kaya late na kong nakaalis ng bahay. dalawang jeep ang kailangan kong sakyan para makarating sa madrigal. yung isa papunta ng alabang. yung isa papunta ng zapote. nasa alabang na ko nun. at dahil napakatalino ko talaga, sumakay ako ng jeep ng hindi tumitingin sa plaka o kahit man lang sa gilid ng jeep. nagbayad ako ng hindi sinasabi kung saan ako pupunta. sa madaling sabi, nakarating ako ng sucat. malayo sa gusto kong puntahan. ang galing ko talaga! hehehe!
ayos lang kako. walang dapat ipag-alala. nakakatawa rin naman talaga db? naisip kong pumunta nalang dun sa susunod na church service. habang naghihintay naisip kong pumasok dun sa prayer room sa ccf. oo, meron silang ganon. ang galing nga e. napakaganda nung lugar na yon. maayos. malinis. at ni isang beses hindi ko inabutan na walang tissue yung c.r nila. at parati pang may libreng tubig. langit siguro yon.
habang nasa loob ako nung isa sa mga kwarto nila, nagmumuni-muni ako. ipinagdadasal yung sarili ko pati na rin yung mga taong mahal ko. tapos may narinig ako. hindi naman to horror story. nakarinig lang naman ako ng babaeng umiiyak. nasa kabilang kwarto sya. hindi ko alam kung sino sya at kung anong problema nya. at hindi ko na inalam pa kung sino nga sya at kung anong problema nya. naisip ko lang na lahat ng tao may problema. lahat ng tao nalulungkot. at lahat ng tao nagiging mahina. parang ako. parang ikaw. pero sa totoo lang, ang mga problema mas maganda kung inirereklamo na lang kay God. dahil wala nang iba pang mas makakapagbigay ng payo o ng peace of mind.
pagkatapos ng ilan pang saglit ng pag-iyak nya. at pagkalungkot ko. tumahan sya. ilang saglit pa pagtapos non. umalis na sya sa kwarto. sana maging ok sya. gaya ng lahat ng taong may problema.
ako ngayon. marami akong problema. pero ayoko silang isipin. hindi dahil wala akong pakialam pero dahil alam kong kahit may problema, makakakita rin ako ng solusyon o kaya naman ibibigay na lang basta sakin ni Lord yung sagot. at hindi man mangyari yung mga gusto ko sa eksaktong oras na gusto ko silang mangyari, alam kong kung talagang para sakin naman o para sa ikabubuti ko, makakaranas din ako ng Divine Providence at makakakita rin ako ng kaganapan para sa mga pangarap ko. naks! ang drama!
twenty two pesos na. dapat na ba kong magpaalam? siguro nga. at etong post na to, para sa experience lang to ah. ang weird! ang weird weird! nakakapanibago. eto pala ang pakiramdam ng walang privacy. at eto pala ang pakiramdam ng nagbabayad para maginternet. eto ang pakiramdam ng nakikihati. ng umuupa. ng panandaliang pag-angkin sa station 11.
.