.
last year lang nung una akong naimbitahan ng isang kaibigan na sumama sa pasinaya ng ccp. taun-taon, naglalaan ng isang engrandeng araw para pagsama-samahin ang mga pinakamagagaling sa larangan ng musika, teatro, sayaw, pelikula, literatura at sining. ito’y isang pagsilip sa mga pagtatanghal na magaganap sa kasalukuyang taon. patikim kumbaga. maikli lang ang oras sa bawat pagtatanghal. dalawampung minuto lang. nakakabitin. para bang gugustuhin mo pang isigaw na ‘more!’
nagiging tradisyon na ata namin ni jo ang pagpunta sa pasinaya. gaya nung pagiging tradisyon ng pagpunta sa cinemalaya. at parang nagiging tradisyon na rin ata yung pagpunta ko sa starbucks sa harbor square para hintayin sya. kunsabagay, meron din naman akong nakitang higantes dun sa harbor square. nandoon kasi yung ibang kasama sa parada nung umaga.
matakaw na ata tlga ako ngayon. kahit na nakapagkape at tinapay na ko, pirming inggit naman ako nung kumain sila ng umagahan sa pancake house. e di syempre umorder din ako. green mango shake tska tinapay na naman. may bacon, lettuce (di ko alam kung anong tagalog nito) at kamatis. ang sarap! buti na lang at hindi nagaway-away yung mga pagkain sa sikmura ko. bati naman silang lahat.
pagtapos magkarga ng maraming enerhiya, panay naman ang panonood namin sa loob ng mga tanghalan ng ccp. una naming pinuntahan yung wordjam oratura kung san ako nakakita ng balagtasan. ang galing! kung paanong banggitin yung mga linya. tska yung mga salita, ang lalim. di ko ma-dig! pinagtatalunan kasi nila kung dapat bang gawing moderno ang balagtasan. sa palagay ko, oo. dahil kundi mamatay ito ng hindi namamalayan. hindi ko sigurado, pero parang narinig ko ang pangalan ni teo antonio. yung manunula. kung sya nga talaga yun, ang astig! gusto ko man syang kamayan, inabot ako ng matinding hiya.
sumunod yung philippine philharmonic orchestra string quartet. ang saya saya ko! hindi ko maipaliwanag kung bakit pero ang saya saya ko!
isa lang ang pinanood naming short film (hindi na kasi kami umabot sa nine ball, yung short film na dalawang taon ko nang pinagiinteresan panoorin), yung durog ni tara illenberger. napanood ko na to dati pero isa to sa mga paborito ko kaya ok lang din na ulitin namin. hindi na talaga kelangan mag-effort ni baron geisler, natural na natural! galing!
sa wakas! nakita ko rin yung UST Symphony Orchestra na magperform. kelangan ko pa bang ipaliwanag to? syempre mahal na alma mater! tomasino ata to. he he!
unang beses ko sa tanghalang huseng batute. ganda pala don. nanood kami ng play ng artist, inc. ang pamagat… frendster. ewan ko kung ganyang sadya ang spelling. galing din nito! pawang mga kabataan ang nagtatanghal. tungkol sa pinaghalu-halong storya ng mga akdang pinag-aaralan sa hayskul. kaya ayan di ako masyadong makarelate. pero kahit na ganon, nagenjoy pa rin naman ako. pano nakakatawa yung pagkakagawa ng play na to. at magagaling ang mga gumanap. ayos!
naaliw naman ako ng alitaptap storytellers philippines. napanood namin yung ‘ang magkaibigan’. sinisikap ng mga alitaptap na to na buhayin muli yung storytelling sa pinas. maririnig sila sa radyo sa dzas 702 tuwing sabado ng alas-nuebe ng umaga. nakakahanga na may mga tao pa ring nageeffort para buhayin yung nakagawian na storytelling. ni ako nga hindi nakaranas ng storytelling. kaya siguro tuwang-tuwa ako kanina.
philippine madrigal singers. second time ko silang makita. astig pa rin! need i say more?
airdance. etong part na to, di ko ma-gets. parang hindi ata airdance yung nasaksihan ko. anyway, ballet performance. naguluhan lang tlga ako.
philippine ballet theater. eto yung performance na wow! sobra! ang galing! siyet! puro na lang ang galing ang nasasabi ko! eto yung mga tipong ‘do yourself a favor and see it for yourself.’
PHSA sanghiyas pangkat mananayaw. eto yung grupo ng mga stujante na ang galing! kahit mga bata pa sila ang galing tlga nila! it’s refreshing to see theĀ youth perform these dances. yung mga folk dance natin. and they did very well! dancing with much poise and grace. amazing!
last stop, virgin labfest’s uuwi na ang nanay kong si darna. tungkol to sa mga ofw natin. tama! hindi lang sila makabagong bayani, makabagong superheroes din sila.
picture galore bago umuwi syempre. yun nga lang… hindi ko nagamit yung dala kong camera. wala kasing baterya! ang tungeks! ang totoo nyan bumili naman ako ng battery, yun nga lang walangya yung 7eleven na yon. wala na kayang charge yung battery nila! lintek! hindi ko man lang nagamit! note to self: magdala na ng rechargeable batteries next time!
ayun.. i had fun! sobra! i missed jo so much. buti na lang meron pa rin kaming bonding moments gaya nito. i met michelle. she’s so nice. sana kasama namin sya next cinemalaya. tapos i got to see a lot of performances! ang galing galing! sobra sobrang saya! looking forward to the next one already.
marahil maraming nagiisip na hindi para sa kanila ang pagdalaw sa ccp. siguro nga, pero eto lang naman ang pakiusap ko. subukan nyo lang. kahit one time big time lang. kahit isang beses lang. makita nyo man lang yung mga taong nagpapakilala sating lahat sa ibang bansa sa pamamagitan ng napili nilang larangan. yung mga taong nagperform kanina, sigurado akong pinaghandaan talaga nila yung mga ginawa nila. kita naman e. it’s worth it. you don’t know what you’re missing. subukan nyo lang.
i had so much fun! so there… til the next pasinaya! signing out…