Thursday, March 26th, 2009
.
gusto sana kitang tawagan kanina kaso naisip ko iba na pala ngayon. sana nandito ka na lang. hindi ka maniniwala. kanina, nakita ko na yung masamang bersyon ko. parati kong iniisip dati kung paano ko dapat magalit. kung anong linyang sasabihin ko. kung mambabato ba ko ng kung anong bagay. o kung magwwalk-out na lang ba ko. kanina kasi parang ang bilis nangyari ng lahat. napakaspontaneous. importante pa bang ikwento kung anong nangyari? siguro hindi na. kasi ako ayokong nakikipagtalo. pero anong nangyari sakin kanina? sinapian ng masamang espirito?! walang malupit na excuse para sa mga sinabi ko. sa umaatikabong “umalis ka!” na binitawan ko. buti nalang pala di na ko palamura ngayon kundi baka sa ospital na ko pinulot. akala ko dati hindi ko kayang gawin yon. na sabihin kung anong nararamdaman ko ng hindi nagiisip. pero mali talaga e. kahit ano pang ginawa nung taong yun sakin. mali pa rin ako. hindi naman ako dapat nakikipagusap ng ganun. parang gusto ko ring magalit sa sarili ko pero para san pa? mali bang minsan ipagtanggol ko rin yung sarili ko? dapat bang manahimik na lang ako kapag alam kong inaagrabyado na ko? sana nandito ka na lang. kundi ko man sayo sabihin lahat ng sama ng loob ko at least man lang may kasama akong tatawa sa mga kagaguhan ko. o sana sayo ko nalang sinabi lahat ng mga sinabi ko kanina. mas madali sigurong humingi ng dispensa at makipag-ayos. na kung satin lang din naman mangyayari yon, parang wala lang. isang malaking laugh trip lang. pero hindi e. wala ka na rin. hindi ko na rin pwedeng sabihin sayo lahat to. sana nandito ka na lang. sana ganun pa rin katulad ng dati. pag nandito ka kasi, parang madaling ayusin lahat. parang may peace of mind kahit magulo lahat.
wala akong excuse para sa nangyari. hindi naman ako talaga ganun. at ayokong maging ganun. ayokong makasakit ng iba. kahit i-provoke ako. basta… ayoko ng ganitong pakiramdam. sana nandito ka na lang.
.