Archive for July, 2009

after two hours with lucy.

Friday, July 31st, 2009

.

weekend na! it’s saturday. i’m feeling a whole lot better and i want to go out. i miss my friends already. it’s weird to realize that i talk to them often now than when they were still here. to think na walking distance lang ang mga bahay namin sa isa’t isa.

lucy and i talked today. webcam, mic, ym. it was perfect. well… i couldn’t hear her well but that’s okay. she’s on the other side of the world right now. somewhere in canada. calgary, i think. good thing she has an internet connection. i don’t miss her that much. we talk more now than ever.. i think. two-hour conversation ngayon, record-breaking na yun para sakin.

the thing with me is.. i’m kind of changing my mind about not going abroad. if before i was strongly against it (something like i would only work abroad if there is no other choice), now i’m actually considering it. it’s frustrating when you compare the employment rates here and abroad. you can earn in a year abroad what you can earn in ten years (probably) here in the philippines. it’s sad to say that a lot of people are driven out of the country to work because of wanting to provide a better life for their families. but what other choice do filipinos have?

as much as possible, i would like to stay here, of course. but i want to see what it’s like out there too.

.

.

still at home…

Saturday, July 25th, 2009

.

nakakaasar. nasa bahay lang ako buong maghapon dahil masakit pa rin yung chan ko. perfect. eto pa naman yung araw sana na susulitin ko ang maghapon sa cinemalaya. sinasabi ko na nga ba… hindi effective sakin ang mga plano. madalas pag meron pa ko non, walang nangyayari sakin.

nung friday, pumunta pa rin ako kahit na sobrang sakit ng chan ko. syempre gusto ko makita si jo. twice a year lang kami nagkikita. february tska july. pasinaya tska cinemalaya. buti nga meron pa nung dalawa na yun e, at least may bonding pa rin kami. nanood kami ng mangatyanan. kwentuhan. tapos umuwi na ko.

ngayon sabado. sabi ni blessa, sold out lahat ng alas sais. nagtaka naman ako. main theater sold out? e malaki yun db? dinig sana kita pala yung palabas. napanood ko na yun. maganda. di na ko magtataka kung ipapalabas din yung sa mga sinehan. sana nga e. para mapanood ko ulit.

hays gusto ko pa naman sana ng tshirt. kaso pano yan e last day na bukas. i doubt na makakalayas ako ng bahay bukas. pero sana. shit. magastos to. pupunta ko ng ccp para lang bumili ng tshirt?! dapat talaga bumili na ko last week pa. tsktsktsk! mali na naman. tshirt lang yun. bahala na bukas.

still have to go back to baywalk. marami pa rin namang nagpupunta dun kahit na di na katulad ng dati yung lugar. tska gusto kong bumalik ng boni high. bahala na ulit. pag magaling na ko.

haaayyyy. sobra! yoko na ng ganitong feeling. sana normal na ulit. para pwede na ulit gumala. three weeks na ata akong di nagpupunta ng alabang pag weekend. nakakamiss na.

napanood ko ung penelope kanina. maganda pala yun. kailangan lang tlgang mahalin ang sarili. tsktsk! gwapo ni mcavoy. he he he!

ayun… wala akong magawa. obviously. hmp! makapaglaro na nga lang.

pabili ngang stresstabs.

Wednesday, July 22nd, 2009

.

ay naku! mashado na ata akong nasstress! di na ko nakakatulog ng maayos.. as if natutulog ako ng maayos tlga dati. ewan ko ba.. simula nung nagkasakit ako, masama na lang lagi yung pakiramdam ko. hayss… sana pwede ulit ang sleep all day mode.

alam mo pwede sana mangyari to e. may balak na nga ako magleave ng friday e KASO NAMAN etong dst ko nasira yung tatlo. ewan ko lang dun sa dalawa ah, baka gusto na rin nilang lumabas agad dun sa machine! ano bang mali? may nilagay ba kong hindi dapat ilagay? may ginawa ba kong hindi ko dapat ginawa? syempre hanggang bahay pinagiisipan ko pa rin yung diskarte ko bukas sa trabaho. ay naku! hindi tlga ko natutuwa! yung pagleleave ko ng friday napurnada dahil parang matatambakan ata ako ng trabaho. uulitin ko na naman kung anong ginawa ko kaninang umaga! nakakaasar yon db? di man lang nagtagal ng isang araw yung tnrabaho ko kanina dun sa machine! tapos hindi ko pa malaman kung pano nangyari yun! hayyyyy!!! pero wala naman akong choice, kailangan ko syang ulitin. nakakalungkot naman. sana masira na lang agad yung iba kong ginawa kung masisira lang naman tlga sila. ayoko na maghintay ng sampung araw para malaman lang na under-inoculated pala sila.

mareklamo lang ako pag nasisira yung mga plano ko pero.. weird bang sabihin na nageenjoy ako sa trabaho ko? siguro dahil sa mga kasama din dun. kasi sinasabi nila na parang walang career growth dun. sa lawak ng medical technology at microbiology, mycobacteria lang ang alam ko. hindi nga lahat ng mycobacteria e… mycobacterium tuberculosis lang! hahaha! nabobobo na ata ako. sayang yung reviewer ko na kay ate she na. (hoy ate she! kung nagffriendster ka man, ciulla (ciulla nga ba yun???) ko?! hehehe miss na kita!)

maraming nagbabalak umalis. marami na ring umalis. ako kaya? san kaya ako makakarating? wag naman po sana Lord dumating yung araw na kailangan kong umalis para lang sa pera. kung aalis man ako, para palawakin lang yung mundo ko. sana ganun na lang Lord. kung pwede nga lang po sana e, wag na lang umalis. he he he!

unti-unti na kong nilalamon ng trabaho. pero ayus lang. di rin naman di ba? may choice pa rin naman. pwede naman umuwi ng maaga kung gusto (kung kaya bang sikmurain na mang-iwan kahit marami pang trabaho… pwede naman umuwi.) kung tutuusin, magaan pa yung trabaho namin kumpara sa iba. nagugutom ka, pwedeng kumain. busog ka pa, e di kumain mamaya. inaantok, e di matulog sa lunch break. tinatamad, konting petix (pwede ring magleave! he he he!). hindi mo natapos yung trabaho, mag-o.t. walang pasok ng weekends at holidays. at maayos magpasweldo. (yun o!) sayang lang tlga dahil sa mga kaltas. mahiya naman ang gobyerno sana! ewan… inaantok lang siguro ako kaya ako nagkakaganito. matutulog na ko… nakakamiss lang tlga. good nyt my dear boyd.

……………………………………………………………….

kung pwede lang sanang lagyan ng preno yung bibig mo, matagal ko nang ginawa.

.

ang sakit sakit…. he he he!

Saturday, July 11th, 2009

.

isang linggo na kong may sakit. di ko alam kung pano to nagsimula. dahil siguro sa katakawan ko. bilib din naman ako sa sense of humor ni Lord. opo, naririnig ko na. malinaw na malinaw. magddiet na ko.

july 3. friday. simula pa lang ng magandang araw e nagyaya na kong kumain. tapos lunch. tapos merienda.  tapos birthday ni teacher. tapos dinner with lucy. parang gusto kong magsuka nung gabi pero pinili ko na lang matulog.

july 4. saturday. stuck at home. wala daw akong pera, sabi ni kael. wala nga hahaha! kuya pengeng pera! simula na ng sakit ng tiyan. natakot pa ko baka ulcer na. hahaha! gayunpaman (hanep!), di ko sinumpa ang forever coke kong lifestyle at hindi ko sinabing magbabagong-buhay na ko.

july 5. sunday. kakaiba tlga tong sakit na to. kala ko naman mamamatay na ko. pag gagalaw ka, masakit. tatawa ka, masakit. kakain ka, masakit. pag nasaktan ka na, masakit ulit. dumating yung ate ko. nagpakonsulta naman ako. sinabi ko ang history ng pagsakit ng tiyan ko. tinanong nya lang kung tuloy-tuloy na masakit. sabi ko, hindi. saka nya sinabing walang kwenta yung sakit ko. uminom daw ako ng motilium. kawawang batang matakaw, di natunawan.

july 6. monday. lintek. nakakadalawang motilium na ko, masakit pa rin sya. di ko nga alam kung dapat bang uminom ng motilium dalawang beses sa isang araw pero dahil masakit pa rin, sige rin ang pag-inom ko ng gamot.

july 7. tuesday. wala nang menstruation. wala nang dysmenorrhea. weird dahil sa tiyan ko nagmanifest ang dysmenorrhea?! ano naman yon?! di na sya parating sumasakit. tolerable na. pwede nang magtrabaho ng maayos.

july 8. wednesday. toxic. nagdedemand pa ng pahinga yung pagod at tinatamad kong katawan. nagbiro pa ko sa bisor ko, pwede po bang magleave ng thursday at friday? na sinagot nya lang ng, basta magfile ka. naalala ko rin na maguusap dapat kami ni reigna. kinulit ko na lang syang magkita kami. pumayag naman. he he he! (dapat magkita tayo ulit reigna!)

july 9. thursday. when it rains, it pours. paos na ko, sinisipon pa. ayus lang. bedroom voice. nakakaasar na nakakahiya. pero ayos naman. saya rin mapaos paminsan. last day na ni ate joan. (kulang na pag nagsquid balls kami ni teacher). dinner with jen. (hays… lapit ka na umalis…)

july 10. friday. sipon at ubo. perfect combo. nagleave na ko. (natauhan din ako sa wakas!!! hindi kasalanan ang magleave!!!). may endorsement pa rin. buti na lang mabait yung senior kong isa. yung isa… ammm anong day na nga ang susunod?

july 11. saturday. feeling ko sunday na. di sanay sa long weekend. hehehe! nagdivi kami ni mudraks. tinuro nya na yung stall na hindi ko makita… at eto online pa rin ako maghapon. as usual. bukas ko na lang gagawin ang mga dapat gawin. pahinga muna, baka magkasakit ulit hahaha! yea, right…

july 12. sunday. sunday starbucks. kaso di pa pwede. kung gusto kong gumaling, hindi pa pwede. movie na lang kaya. ice age 3. hays! first run. hahaha! planado… saka na ko maglalaba. tama! church.. kape… movie… kain… uwi. nood tayo?

july 13. monday. sana sweldo na. he he he!

sobra na sa araw. hays..

…………………

gusto ko sanang sabihin na, “hindi mo malalaman kung ano yung mga pinakagusto mong gawin at kung ano yung mga pinakaimportante sayo hanggang di mo nararamdaman na mamamatay ka na..”

bigla kong narinig, “matagal ka nang patay, anu ka ba?”

tablado ako. di na ko nagsalita.

…………………